Friday, April 22, 2011

Falling Into You

Type: PHR Collection
Book No.: 2973
Year Released: 2009
Publication: PHR


Dahil sa ama at sariling mga kuya na pawang mga classic examples ng mga lalaking player at babaero, idagdag pa ang mga manlolokong lalaking naging boyfriend ng best friend niya, nawalan na ng tiwala sa mga lalaki si Aya. Ipinangako niya sa sariling kailanman ay hindi siya papatol sa mga kagaya ng mga kuya niya. 

Kabisado niya ang “modus operandi” ng mga babaero at manloloko kaya tiwala siya sa sariling hindi siya mabibiktima ng mga ito.

Hanggang sa makilala niya ang kaibigan ng mga kuya niya na si Bim na kaliga ng mga ito sa pagiging babaero. Kahit nag-uumapaw ang karisma nito, sopla ang inaabot nito sa kanya. Lumalapit pa lang ito ay nakataas na ang depensa niya. Ngunit isang araw ay nalingat siya. Sa pamamagitan lang ng isang halik ay walang kahirap-hirap na nanakaw nito ang puso niya.

No comments:

Post a Comment