Wednesday, April 27, 2011

Stallion Riding Club Batch 2: Zell Zapanta

Type: Series
Book No.: 13
Year Released: 2007
Publication: PHR


"I already have you. Bakit pa ako maghahanap ng iba?"

Masayang pinakikinggan ni Dominique ang usapan ng mga Stallion Riding Club members habang namimili ang mga ito ng makaka-date ng mananalo sa promo ng Stallion shampoo. Pero ang mas nakapukaw sa atensiyon niya ay ang nag-iisang si Zell Zapanta.

"I'm volunteering. I need as much exposure as I can para maging pamilyar sa akin ang masa. Makakatulong iyon sa pagtakbo ko sa susunod na eleksiyon."

Doon na siya kumilos. Lumapit siya sa grupo ng mga ito.

"Exempted ka, Renzell," aniya. Napako sa kanya ang tingin ng lahat." Hindi puwedeng makipag-date ang fiance ko."

"Sino ka ba?" tanong ni Zell nang tumayo at humarap ito sa kanya. "I don't even know you."

"Oo nga. Pero ikaw, kilala ko at kilala ako ng parents mo. Kaya nga engaged na tayo, eh." Ngumiti pa siya nang pagkatamis-tamis. "Dapat pala ay nagpakilala na ako noong unang araw tayong nagkita. Para hindi ka na nabibigla nang ganyan. Kaya lang kasi, gusto kitang sorpresahin. Kaya... surprise!

No comments:

Post a Comment