Friday, April 22, 2011

DDP Batch 2: Geoff Sandoval, My Heart, My Home

Type: Series
Book No.: 12
Year Released: 2008
Publication: PHR


A year after Ella's grandmother passed away, a man named Geoff showed up at her doorstep. May hawak itong katibayan na ito ang may-ari ng bahay at lupa na tinitirahan niya at ng kanyang yumaong lola.

Si Don Herminio pala na namayapang lolo nito ang totoong may-ari ng mansiyon. Ipinamana raw dito iyon kaya sinabihan siya nito na umalis doon dahil wala siyang karapatan na manatili doon.

Ngunit pinapangako siya ng kanyang lola na huwag siyang aalis doon kahit ano ang mangyari. Desidido siyang tuparin iyon kaya sa kabila ng mga pananakot ni Geoff ay pinanindigan niya ang kanyang desisyon.

As they stayed together in one house, they tried to discover his grandfather and her grandmother's old secrets. Kasabay niyon ay natuklasan din niyang umiibig na siya kay geoff. But she knew that sooner or later, she would have to leave the house.



Type: Series
Book No.: 13
Year Released: 2008
Publication: PHR


Ella was well aware she and Geoff were worlds apart. Mayaman ang binata at mahirap lang siya. Lumaki ito sa modernong pamumuhay at siya ay sa makaluma. Marami siyang pinaniniwalaang hindi nito inaayunan at bagkus ay pinagtatawanan pa nito. Wala sila ni isang bagay na ikinatugma. Hindi sila bagay.

Alam niyang walang patutunguhan ang lihim na damdamin niya para dito. kailanman ay hindi siya magugustuhan nito. Ngunit bawat araw na lumilipas ay mas minamahal pa niya ito.

But she could not leave the house because of her grandmother's death wish. Makakaya kaya niyang mapaglabanan ang damdamin para sa binatang kahit madalas magsungit ay guwapo pa rin sa paningin niya?

No comments:

Post a Comment