Tuesday, March 22, 2011

DDP Batch 1: Dex Peralta, An Interview With A Playboy

Type: Series
Book No.: 10
Year Released: 2007
Publication: PHR


Nagsimula ang galit ni Jenna kay Dex Peralta nang paglaruan siya nito noon nang dahil sa isang interview na kailangan niyang makuha rito para sa kanilang campus paper. He was tagged as the "campus king." He was their university's varsity team captain and the most infamous bad boy and campus heartthrob at the same time.

Ayaw nitong magpa-interview sa kanya. Kaya kinailangan pa niyang umisip ng gimik para paunlakan siya nito sa isang interview. Kinailangan pa niyang ibahin ang kanyang pagkatao para lang pansinin siya nito. Ngunit tila iyon pa ang naging ugat para lalong mapaglaruan siya nito.

Fast forward to present time. She was now a media person. At tila naulit yata ang sitwasyon. Sa pagbabalik ni Dex sa basketball scene ay kailangan niyang muling hingan ito ng interviews. But she had learned her lessons. Sa pagkakataong iyon, hindi na niya hahayaang mapaglaruang muli nito ang puso niya.



Type: Series
Book No.: 11
Year Released: 2007
Publication: PHR


Jenna was back in the same situation four years ago. Kailangang makuhanan uli niya ng interview ang taong kinamumuhian niya nang labis. At hindi lang isang interview ang kailangan niyang kunin mula rito kundi dalawa pa.

Sa pagkakataong iyon, hindi na niya hahayaang masaktang muli nito dahil matigas na ang puso niya.

But as she tried to get the interviews, natuklasan niynag umiibig pa rin pala ang puso niya rito sa kabila ng mga taong lumipas. Would she risk getting hurt the second time around?

No comments:

Post a Comment