Monday, March 14, 2011

Los Caballeros: Simply Meant To Be

Type: Series
Book No.: 2
Year Released: 2006
Publication: PHR


Mula sa langit ay biglang may bumagsak na lalaki sa bahay nina Maige. Ang nagpi-feeling si Superman ay walang iba kundi si Alexiel Abrevega, isang guwapo at mayamang businessman. Doon ito dinala ng hangin nang mawalan ng kontrol ang parachute nito.

Sa pinagbagsakan nito ay may nakita siyang kuwintas na may nakasabit na dalawang singsing. Naisip niyang marahil ay sa binata iyon kaya nagpasya siyang isauli iyon.

Ngunit hindi na matanggal sa daliri niya ang isang singsing nang subukan niyang isukat iyon.

"Bakit suot mo iyan?" tanong ni Alexiel sa kanya nang magtungo siya sa opisina nito upang isauli ang kuwintas.

"Ayaw nang matanggal, eh!" sagot niya.

"Only the woman I'm going to marry could wear that ring."

Lihim na napangiti siya. Ibig bang sabihin ay siya ang babaeng iyon?

No comments:

Post a Comment