Tuesday, March 22, 2011

DDP Batch 1: Luke Pascual, Dangerously In Love

Type: Series
Book No.: 5
Year Released: 2007
Publication: PHR


Gumawa si Samantha ng sariling imbestigasyon tungkol sa pagpapakamatay ng best friend niyang si Yve. And being a professional lady bodyguard, she had the capability and means to do so.

May natagpuan siyang posibleng suspect. Ang boss ni Yve na si Luke Pascual. Nalaman niya mula sa personal belongings ni Yve na nagkaron ito ng relasyon sa boss nito.

Coud it be that her friend's playboy boss broke her heart ruthlessly which resulted to her killing herself? Sam had to know. Kailangan niyang makalapit kay Luke. Malapit na malapit. Kaya nagplano siya ng paraan para kailanganin nito ang isang bodyguard. At nagtagumpay naman siya. Nakapasok siya bilang bodyguard nito.

As she dug up the mystery of her friend's death, naging totohanan ang pagkakalagay sa panganib ng buhay ni Luke. Pero mukhang hindi lang yata ito ang dapat niyang protektahan mula sa taong nagbabanta sa buhay nito... kundi pati ang puso niya mula rito.



Type: Series
Book No.: 6
Year Released: 2007
Publication: PHR


Hindi matahimik ang isip ni Samantha tungkol sa misteryosong pagkamatay ng kanyang kaibigan. At ngayong may nalaman siyang dalawang maliliit na detalyeng maaaring magpatunay na posibleng ngang si Luke ang lalaking nanakit sa damdamin ng kanyng kaibigan kaya ito nakaisip na magpatiwakal ay lalo siyang nasaktan. Galit siya. Hindi niya maintindihan ang kanyang nadarama.

Dahil sa kabila ng kanyang nalaman, ay may isang bahagi ng kanyang pagkatao ang ayaw pumanig sa konklusyong kanyang nabuo...

No comments:

Post a Comment