Wednesday, March 16, 2011

Golden Hearts: Her Own Prince Charming

Type: Series
Book No.: 4
Year Released: 2007
Publication: PHR


Atat nang ma-in love si Gracie. Paano ay siya na lang ang nag-iisang single sa editorial department ng Golden Pages -- ang pinapasukan niyang publication. Hindi naman niya kailangang maghintay ng matagal dahil dumating din sa buhay niya si Dave. Lahat ng katangian ng Prince Charming na hinahanap niya ay narito na -- guwapo, mayaman, mabait.

Guwapo, mayaman, masungit, antipatiko, suplado, ungentleman, at malakas mang-asar -- ang mga iyon naman ang discription niya sa may-ari ng Golden Pages na si River Jay Villegas. Paano ay palagi na lang siyang pinagdidiskitahan nito kapag nakikita siya.

Hindi kaya may gusto ito sa kanya?

"You're not my type. Too short. Kapag hinalikan kita, siguradong mababalian ako ng spinal cord," pahayag nito.

Ganoon? Bakit palaging galit ito kay Dave kapag magkasama sila na animo nagseselos ito?

No comments:

Post a Comment