Tuesday, March 22, 2011

DDP Batch 1: Dominick Pascual, The Nearness Of You

Type: Series
Book No.: 3
Year Released: 2007
Publication: PHR


Burned-out of love and poverty, Queenie finally decided to get down to reality and stop dreaming about Prince Charming and believing in fairy tales. Ang nais na lamang niya ngayon ay ang mapaganda ang buhay ng kanyang pamilyang sa kanya lamang umaasa. Sawang-sawa na rin siya sa pagiging receptionist sa isang exclusive men's club at sa maling pagtingin ng mga lalaki sa kanyang trabaho.

Hanggang sa umeksena sa buhay niya ang mayamang don na nag-alok sa kanya ng kasal... ngunit peke lamang. Kailangan niyang umarte at magpanggap bilang fiancee nito sa harap ng lalaking anak nito.

Pero nang makita niya kung sino ang anak nito ay parang gusto na niyang wakasan ang drama nilang iyon.

Why, anak nito ang bastos na lalaking sinampal at sinuntok niya sa club nang pagsamantalahan nito ang kanyang kalasingan... Ang lalaking may magagandang mata at kung makatingin ay parang siya lang ang babae sa mundo...

Na nainis siya nang makita uli niya ito na may kahalikang ibang babae.



Type: Series
Book No.: 4
Year Released: 2007
Publication: PHR


Walang matandaan si Queenie sa mga pinagsasabi ng kaharap niyang si Dominick. Inaakusahan siya nitong "bayarang babae." At hindi lang iyon, sinisingil siya nito ng utang "daw" niyang isang libreng gabi dahil natalo siya nito sa kanilang pustahan.

Patuloy siyang nagmatigas sa pagtanggi, kahit sa totoo lang ay nanlalambot na ang kanyang mga tuhod.

"How about the kiss we shared that night? Hindi mo rin ba alam iyon? Hindi mo rin ba natatandaan kung paano ka tumugon sa halik ko?"

"I... I don't..." She stammered.

"Really? Okay, then let me refresh your memory," he whispered hoarsely and snatch her by the waist and pressed her body against his. Hindi na nakalabas ang pagsinghap niya sa kabiglaan sa ginawa nito dahil bigla ay sakop na nito ang kanyang mga labi.

No comments:

Post a Comment