Monday, March 14, 2011

Calle Pogi: Sage

Type: Series
Book No.: 7
Partner Author: Keene Alicante
Year Released: 2008
Publication: PHR


Tahimik na ang buhay ni Alodia sa Laguna. Kontento na rin siya sa pagpapatakbo sa kanyang maliit na couture shop. Pero biglang nabago ang mapayapang daloy ng kanyang buhay nang mapilitan siyang tumuntong sa Calle Pogi para hanapin ang na-“kidnap” na alaga niya.

Sa Calle Pogi ay natagpuan niya ang lalaking nagtataglay ng pinakamagandang ngiti na nasilayan niya sa buong buhay niya—si Sage. Nagmamay-ari ito ng bakeshop na puring-puri ng mga kabarangay at mga kalapit-barangay nito. 

Katulad ng mga paninda nitong pastries at cakes, naniniwala siyang sweet ito. Kaya lang, wala siyang amor sa matatamis. She hated everything sweet and romantic. She hated cakes and chocolates. She hated flowers and love songs.

But if that was the case, then why couldn’t she resist Sage’s sweet smile.

No comments:

Post a Comment