Tuesday, March 22, 2011

DDP Batch 1: Xander Avila, Love Is Only In The Movies

Type: Series
Book No.: 1
Year Released: 2007
Publication: PHR


Sheye has a lot of names, different hairstyles and fake facial moles and various identities. She’s a drama queen. A very talented actress, scriptwriter and director rolled into one. She’s a production outfit in one body. Kayang-kaya niyang paikutin ang mga tao sa paligid nang hindi siya nabubuking sa ginagawa niyang palabas. She’s a very skilled liar, to be brutally exact. 

That’s her job. Ang magsinungaling. Ang magpanggap na ibang tao upang kumita. Ang job title niya—Hired Professional Impostor and Fabrication Specialist. Sa tuwing nagtatrabaho siya, iniisip na lamang niyang may camera at umaarte siya para sa isang pelikula. 

She was enjoying her effortless job. Hanggang sa dumating ang isang multi-million-peso job offer na nagpagulo ng buhay niya at nakatakda yatang magpa-bankrupt ng production outfit niya... 

Ang magpanggap bilang nawawalang anak ng tiyuhin ng lalaking nakasama niya ng isang gabi noong minsang nagpanggap siya bilang isang prostitute!



Type: Series
Book No.: 2
Year Released: 2007
Publication: PHR


“Sino ka ba talaga? The first time I saw you, you were a scheming runaway prostitute. And now, you’re suddenly my long-lost cousin? Kung nagawa mo akong lokohin noon, magagawa mo ring lokohin ang mga taong naririto. Why, you tricky little cheat. Hindi ko mapapayagang pati ang pamilya ko ay maloko mo at manakawan mo ng pera,” matigas na wika ni Xander.

“Hindi ako prostitute at hindi ko niloloko ang mga tao rito. Kung pinagdududahan mo akong nagpapanggap lang na nawawalang anak, hindi mo na kailangan pang gumawa ng kuwento at pasamain ang pagkatao ko sa pagbibintang na isa akong prostitute,” malumanay ngunit mariing sagot ni Sheye.

Lalong tumigas ang anyo nito na tila ba gusto siyang saktan. “Hindi ako naniniwala sa ‘yo.”

“I don’t care if you believe me or not. Pinaniniwalaan ako ng Papa ko, at iyon ang mahalaga. I want you out of my room now.”

“Not yet… may utang ka sa ‘kin, remember? I paid you for an unfinished job. I want to claim what I had already paid for. Now,” anito sa halos pabulong na tinig. His hot breath fanned her face that made her cheeks feel hot as well.

Lahat yata ng balahibo niya sa katawan ay nagtayuan sa ipinahihiwatig nito.

No comments:

Post a Comment