Thursday, May 5, 2011

Crazy Little Thing Called Love

Type: PHR Collection
Book No.: 37
Year Released: 2007
Publication: PHR


Labis ang paghanga ni Sassa para kay Tommy Fontanilla, ang vocalist ng paborito niyang banda--ang Sentinel.

Sa palagay niya ay mahal na nga niya ito dahil pati poster nito ay kinakausap niya.

Tuwang-tuwa siya nang malaman niyang mai-interview niya ito. Ngunit dahil sobra-sobra ang paghanga niya rito ay pumalpak siya. Sa halip kasi na tanungin ito ay tulalang nakatingin lamang siya rito. Na-starstruck talaga siya rito.

Iyak siya ng iyak hanggang sa pag-uwi niya dahil sa kapalpakang iyon kaya naibuhos niya ang kanyang sama ng loob pati sa driver ng taxi na nasakyan niya. Ikinuwento niya rito kung gaano niya kamahal si Tommy na ngayon ay siguradong naiinis na sa kanya dahil sa kinalabasan ng interview na iyon.

Ang hindi niya alam, si Tommy na pala mismo ang driver na kausap niya! Ang kotse nito ang nasakyan niya nang hindi sinasadya! Ano na ngayon ang gagawin niya?

1 comment:

  1. i already read this novel but i still wan't to read it again and again. :)) Re-print please.

    ReplyDelete