Friday, May 6, 2011

Wandering Heart

Type: PHR Collection
Book No.: 45
Year Released: 2007
Publication: PHR


Jesi was a perfect girlfriend material. She was smart, sexy, beautiful, successful, rich. Kaya nga laking pagtataka niya kung bakit naunahan pa siya ng mga walang-pakielam-sa-lalaking kaibigan niya. Kasal na ang isa at magpapakasal na ang isa pa. Samantalang siya, ni boyfriend ay wala.

She started asking herself. Hindi kaya pangit siya? Isa lang ang malakas ang loob na sumagot niyon--si Sky, ang nerd na kapitbahay niya.

"Kung maganda ka, bakit kailangan mo pa ang opinyon ko?"

Anak ng patis! Hindi na dapat siya nagtanong pa. Ayaw niyang tanggapin ang naging kasagutan nito kaya nagbanta siya na hinding-hindi siya aalis ng bahay nito hangga't hindi ito naaakit sa karisma niya. Pero bakit tuwing titingnan niya ito ay hindi isang nerd ang nakikita niya? Ang mas masaklap, parang siya pa ang naaakit sa karisma nito! Baliktad yata.

No comments:

Post a Comment