Thursday, May 5, 2011

Funny Valentine

Type: PHR Collection
Book No.: 32
Year Released: 2007
Publication: PHR


"Well, I'm sorry, all right? I'm sorry for protecting your feelings! I'm sorry for thinking I was doing the right thing for you! And I'm sorry... for loving you that much!"

Eunice hated Valentine's Day. Napakasama kasi ng experience niya sa araw na iyon. Ang tanging lalaking minahal niya ay nahuli niyang may ibang babae sa mismong araw na iyon. Walong taon na nang nakalilipas mula nang mangyari iyon ngunit tuwing papasok ang Pebrero, palagi siyang pinaaalalahanan ng masakit na pangyayaring iyon.

Hanggang ipasya niyang mamundok, kung saan hindi siya makakarinig ng kahit anong love song o makakaita ng kahit katiting na indikasyon na araw na naman ng mga puso. She found the perfect place. May isa lang problema: ang lalaking dumurog sa kanyang puso noon at dahilan ng pagtatago niya ay naroon din. What was worse, katabi niya ito ng silid sa hotel na tinutuluyan niya.

Paano na ngayon ang misyon niyang kalimutan ito at ang lintik na Valentine's Day?

No comments:

Post a Comment