Thursday, May 5, 2011

Stallion Riding Club Batch 4: Reiven Alleje

Type: Series
Book No.: 48
Year Released: 2008
Publication: PHR


"Shut up and kiss me if you want to make it up to me."

Ang akala ni Sofiajade ay hindi na muling titibok ang kanyang puso mula nang mawala ang virologist na si Reiven. Isang aksidente ang kinasangkutan nito nang mag-training ito sa isang pharmaceutical company sa Venezuela. At nabalitang patay na ito.

Ngunit kung ang mga mata ay nagkakamali ng tingin minsan, hindi ang puso. Hindi maaaring hindi iyon makakilala. Kaya kahit anong pagkumbinsi ng paningin niya na hindi si Reiven ang estrangherong nakita niya na naliligo sa talon, sa bulubundukin ng Cordillera, naghuhumiyaw naman ang kanyang puso na si Reiven nga ang lalaki!

No comments:

Post a Comment