Thursday, May 5, 2011

Maybe You’re My Love

Type: PHR Collection
Book No.: 41
Year Released: 2007
Publication: PHR


Problemado sa pera sina Juni at ang kanyang mga kaibigan. Kaya naisipan niyang isangla muna ang pinakamamahal niyang laptop computer.

Ngunit dahil okupado ang kanyang isip, muntik na siyang madisgrasya. Ang masaklap, ang pinakamamahal niyang laptop ang nadali dahil iyon ang sumabit sa kotseng muntik nang makabundol sa kanya. Nagkapira-piraso ang kanyang laptop.

Frustrated with everything in her life, she started crying in the middle of the street. Hanggang isang anghel ang lumapit sa kanya sa katauhan ni Forrester Caldona, ang may-ari ng sasakyang muntik nang makadisgrasya sa kanya. Ibinigay nito sa kanya ang lahat ng pag-aaring dala nito sa katawan para lang tumigil siya sa pag-iyak.

Nang makita niya ang guwapong mukha nito, parang hindi lamang ang kayamanan nito ang gusto niyang ibigay nito sa kanya. She wanted to own his heart and love, too.

No comments:

Post a Comment