Thursday, May 5, 2011

Stallion Riding Club Batch 4: Jigger Samaniego

Type: Series
Book No.: 52
Year Released: 2009
Publication: PHR


"You're not my type of girl. But I like you anyway."

Unang nagkita sina Nova at Jigger sa isang coffee shop. At hindi iyon nagustuhan ni Nova—dahil pinagmukha siya nitong tanga nang magpanggap itong may-ari niyon. At hindi rin niya gusto ang paraan ng pagkakatingin nito sa kanya. Dahil may kakaiba siyang nararamdaman sa mga tingin nito. Para kasing inaakit siya nito, lalo na kapag sinasabayan pa nito iyon ng pagngiti. Hanggang sa lumapit ito sa kanya. At halikan siya nang walang kaabug-abog. Nang dalawang beses. Hinayaan lang niya ito. Iyon ang eksenang naabutan ng boyfriend niya.

She walked out on him to follow her boyfriend. Pero mukhang nakatakda na talagang magkasala-salabid ang mga landas nila ni Jigger na tila may kung anong puwersang nagmamanipula ng lahat.



Type: Series
Book No.: 53
Year Released: 2009
Publication: PHR


"Ang talagang makapagpapasaya lang sa atin ay 'yong taong naging dahilan kung bakit tayo malungkot."

Nova fell in love with Jigger Samaniego. Inakala niyang pareho lang ang nararamdaman nila. Hanggang sa nalaman niyang lumalapit lang pala ito sa kanya dahil kahawig niya ang isang babaeng naging espesyal dito. That was her friend Jeuliette, who was in love with Trigger, Jigger’s twin. Ang pinakamatindi, ito mismo ang nagsabi sa kanya ng katotohanang iyon.

She hated Jigger for breaking her heart. Kaya mula noon ay isinumpa niyang oras na makita niya ang lalaki ay gaganti siya rito.

Pinagbigyan naman siya ng tadhana. Pagkaraan ng isang taon, muling nagkrus ang mga landas nila. Tumalikod nga lang siya dahil hindi niya inaasahang titibok pa rin nang ganoon katindi ang puso niya para sa lalaking bumigo sa kanya.

Lalong naging komplikado ang paghihiganti kuno niya nang tuluyan niyang makaharap si Jigger. Nalaman kasi niyang hindi pa rin pala niya tuluyang napapatay ang damdamin niya para dito.

Paano na ngayon ang hustisyang hinahanap ng kanyang puso?

No comments:

Post a Comment