Thursday, May 5, 2011

Stallion Riding Club Batch 4: Trigger Samaniego

Type: Series
Book No.: 50
Year Released: 2008
Publication: PHR


'Napamaang na lang siya rito at saglit na tila nawala sa sarili nang maramdaman niya ang maingat na pagpalibot ng mga bisig nito sa kanya. She had never felt this treasure in her entire life. It felt like she had finally come home.'

Fourteen years old pa lang si Jeuliette ay itinatangi na niya sa kanyang puso ang binatilyong si Trigger. Noong unang masilayan niya ang guwapong mukha nito ay hindi na ito naalis sa kanyang isip. Subalit magkaiba ang kanilang mga mundo. Simpleng tao lang siya; samantalang ito, mabanggit lang ang pangalan nito ay nagkakaroon na agad ng komosyon. Lalo na ang mga babae. Kahit pa nga hindi ma-distinguish ng mga ito kung si Trigger o ang kakambal ba nitong si Jigger ang nasa paligid. Sa bagay na iyon, nakalalamang siya sa mga babaeng iyon.

Dahil siya, sigurado siyang alam niya kung si Trigger o ang kakambal nito ang kaharap niya. Mas tiwala siya sa ibinubulong ng kanyang puso kaysa sa nakikita ng kanyang mga mata...

Ngunit nang magtapat siya kay Trigger ng kanyang tunay na damdamin, nanlumo siya nang isalampak nito sa mukha niya na pagtinging-kapatid lamang ang nararamdaman nito para sa kanya.



Type: Series
Book No.: 51
Year Released: 2008
Publication: PHR


"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Lumayo ako gaya ng nais mong mangyari. Pero hindi ko na kayang magpanggap na kaya kong malayo sa iyo. I miss you like hell! And I still love you."

Mabilis na nalagas ang mga dahon sa tangkay ng panahon. Waring sa isang iglap lamang ay dumaan ang maraming taon kasabay ng mga pagbabago sa buhay ni Jeuliette. Ngayon ay isa na siyang sikat na modelo at maaari na niyang ihanay ang sarili sa mga babaeng nagugustuhan ng mga Stallion boys.

Isang bagay lang ang hindi nagawang baguhin ng panahon at nananatiling nakaukit sa kanyang puso magpakailanman--ang pangalan ni Trigger Samaniego. Ito ang tanging lalaking nanakit sa kanyang damdamin noon ngunit patuloy pa ring minamahal ng kanyang puso sa paglipas ng panahon.

No comments:

Post a Comment