Thursday, May 5, 2011

Hooked On A Feeling

Type: PHR Collection
Book No.: 31
Year Released: 2007
Publication: PHR


Isang lalaki ang nakakuha ng interes ni Sasha habang nakikipaggitgitan siya sa MRT. Nagka-crush siya lalo rito nang ipagtanggol siya nito sa babaeng nagtaray sa kanya. At pagkatapos niyon ay pinaupo pa siya nito. Ang buong akala niya ay hanggang doon na lamang ang kanilang pagtatagpo. Hindi niya inakala na pagdating niya sa opisina ay matutuklasan niya na ito pala ang bagong amo niya na si Mr. Raiden Altavano. Paano kaya siya makakapagtrabaho nang maayos kung palagi siyang madi-distract sa ngiti at kaguwapuhan nito?

No comments:

Post a Comment