Friday, December 30, 2011

The Floral Collection: Love, Lies, And Alibis

Type: The Floral Collection
Book No.: 1___
Year Released: 2011
Publication: PHR


Dahil sa isang kahilingan na hindi makayang pahindian ni Belinda ay napilitan siyang magtungo sa Benguet. Ngunit parang gusto niyang mag-back out nang makilala ang lalaking maghahatid sa kanya sa destinasyon niya.

Dax was the last person she wanted to see.

But fate had brought them together.

Worse, nalaman niyang ito pala ang may-ari ng flower farm na tutuluyan niya.

Paano na lamang ang problema niya? Malulutas kaya niya iyon kung parating nakakontra si Dax sa bawat hakbang na gawin niya? At bakit ba may pakiramdam siyang parating may mapang-uring mga mata na nakamasid sa kanya?

Could she get the concentration she needed before her heart changed its mind?

The Floral Collection: Dear Lies

Type: The Floral Collection
Book No.: 1___
Year Released: 2011
Publication: PHR


The first time Francesca and Darwin met, she knew they will hate each other. Kaya naman nang muli silang magkita ay kinailangan pa niyang magtahi ng kuwento sa kagustuhan niyang manatili sa isla nito. Ngunit sadya yatang sintigas ng bato ang puso nito kaya sa halip na patawarin ay lalo pa siya nitong ginipit.

Hanggang isang pangyayari ang magsilbing susi upang mabuksan ang isang kabanata ng buhay nito at maging dahilan iyon ng kanilang pagbabati.

Now he was thanking her for saving him. Buong buhay niya ay noon lang siya nakatanggap ng isang heartfelt "thank you". At nagmula pa sa taong akala niya ay hindi marunong mag-appreciate ng mga bagay sa paligid nito.

"I love you. Will you marry me?" wika pa nito sa kanya.

Tatango na sana siya kung hindi lamang niya kilala ito...

The Floral Collection: Hey, Gorgeous

Type: The Floral Collection
Book No.: 1___
Year Released: 2011
Publication: PHR


"Hindi ko ikakailang takot akong magpakasal. Pero mas natatakot akong mabuhay nang wala ka sa piling ko."

"Maganda ang nakaguhit sa palad mo, Miss. Malapit mo nang makilala ang lalaking makakapiling mo habang buhay. Malalaman mong siya na nga iyon kapag nagkalapit kayo at nakarinig ka ng isang napakagandang musika."

Ipinagsawalang-bahala lang ni Simone ang hula sa kanya. Una, nagmamadali siya dahil male-late na siya sa kasal ng pinsan niya. Pangalawa, hindi siya naniniwala sa hula. Para sa kanya, ang tao ang gumagawa ng sarili niyang tadhana.

Ngunit sa sandaling nakita niya ang best man sa kasal ng pinsan niya, bigla ay tila may pumailanlang na musika. At nang titigan niya si Aleister, tila tumigil sa pag-inog ang mundo.

Tama kaya ang manghuhula? Si Aleister na nga kaya ang lalaking sa kanya ay itinadhana?

Thursday, December 29, 2011

The Floral Collection: Once And Again

Type: The Floral Collection
Book No.: 1___
Year Released: 2011
Publication: PHR


"Axel Drake de Roque, at your service. Although I will not call myself unlucky to be Raven's boyfriend."

Tila knight in shining armour ang naging dating nito kay Raven nang sagipin siya nito sa pang iinsulto ng mga kaopisina niya. Wala kasi siyang love life. Ngunit sa kabila ng pagtulong nito ay hindi pa rin nawala ang galit nila sa isa't-isa, sampung taon na ang nakararaan. Ang nakapagtataka, sa halip na magbangayan sila ay nagtutulungan pa sila.

Ngunit hindi siya naging handa sa mga konsekwensiya ng palabas nila nang maramdaman niyang ito pa rin ang lalaking iniyakan niya noon gabi-gabi. Handa na kaya siyang ipadama rito ang damdamin niya ngayong unti-unti nitong natitibag ang pader sa puso niya?

The Floral Collection: The Way You Love Me

Type: The Floral Collection
Book No.: 1___
Year Released: 2011
Publication: PHR


"Rule number five... don't fall in love with me."

Naglayas si Lani upang takasan ang problema niya sa ama. Pero isa ring problema ang napuntahan niya. Sa katauhan ni Thaddeus Joseph Adorable.

But Thad was the one problem she didn"t know whether to stick up with or ran away from...

The Floral Collection: Love At Second Sight

Type: The Floral Collection
Book No.: 1___
Year Released: 2011
Publication: PHR


Nang ma-inlove si Czarina sa unang pagkakataon ay todo-todo ang ibinigay niyang pagmamahal. Nang magpakasal ang lalaki sa ibang babae ay talaga namang para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa. Sa mismong kasal ay nagpakalunod siya sa alak.

Until a mysterious and handsome stranger came to her rescue--si Harold.

Nang magpasya siyang magbakasyon muna upang makalimot sa kabiguan ay hindi niya akalaing muli silang magkikita ng lalaki.

Natuklasan niyang ito pala ang tatay-tatayan ng makukulit na batang kambal na nakilala niya. Halos araw-araw siyang kinukulit ng magkapatid na maging "mommy" raw ng mga ito.

Syempre pa ay nagpakatanggi-tanggi siya. Pero nang si Harold na mismo ang humingi ng pabor sa kanya, himalang napapayag siya nito.

Mukhang muli na namang nagmamahal ang puso niya. Lalo pa nang gawaran siya ng halik ng binata. Gusto na yata niyang totohanin ang lahat. Pero malinawna "laro" lang ang pagiging mag-asawa nila..

Saturday, December 3, 2011

The Floral Collection: My Lord Ace

Type: The Floral Collection
Book No.: 1382
Year Released: 2011
Publication: PHR


"Ang singsing na 'yan, hindi ko alam kung bakit binili ko iyan. I had always carried it ever since. Ngayon ko lang na-realize kung ano ang dahilan ng pagbili ko niyan. It was really meant for you."

Bilang isang freelance photographer, kung saan-saang isla at bundok nakakarating si Prix. Kaya nang marinig niyang maganda ang Isla Catalina ay agad siyang pumaroon. Iyon ay sa kabila ng pagiging pribado ng isla.

Ganoon na lamang ang takot niya nang salubungin siya ng isang lalaking nakakalula ang tangkad at lapad ng katawan. Ipinag tabuyan siya nito.

Ngunit hindi siya nasiraan ng loob. Lakas-loob niya itong hinarap at sinabi ritong hindi siya aalis doon hangga't hindi niya nakukunan ng larawan ang isla.

Sa pagka mangha niya ay pumayag ito kapalit ng paninilbihan niya sa pamamahay nito.

Labis niya iyong ikinatuwa. Nanalo siya sa round one. Ang masama, natalo siya sa mga sumunod na rounds. Because instead of winning, she bet and lost something she could't afford to lose... her heart.

The Floral Collection: Matters Of The Heart

Type: The Floral Collection
Book No.: 1362
Year Released: 2011
Publication: PHR


"When you fall in love, sometimes you don't need to listen to your brain. You just have to use your heart."

Florence was carefree. Lahat ng bagay ay nagagawa niyang idaan sa biro. Pero nakilala niya sa Donn--seryoso, at ang nais nito ay nasa ayos ang lahat. He was so considerate na mas uunahin pa nito ang damdamin ng ibang tao kaysa sa sarili nitong kaligayahan.

Biglang umiral ang inborn na pagkapilantrupo ni Florence. Itinalaga nya ang sarili niya bilang tagapagligtas ng lalaki. Hindi niya ito hahayaang matali sa isang relasyon na ang mayamang lola lamang nito ang may gusto.

Gumawa siya ng paraan upang ma-realize nitong hindi ito magiging masaya kung patuloy lang itong makikipag-ugnayan sa babaeng ipinagkasundo rito na si Anette. Kahit na patuloy nito iyong itatanggi.

Pero bakit siya nito biglang hinalikan? At ang masama, buong alab rin niya iyong tinugon...

The Floral Collection: Heir Of The Heart

Type: The Floral Collection
Book No.: 2597
Year Released: 2011
Publication: PHR


"You're mine, Lena. And I want to claim my property. Right here, right now."

Helena had considered Lolo Crisostomo as her savior. Kinupkop siya nito at ginawa siyang tagapag-alaga nito upang kumita siya ng pera. Until she found out that the old man was dying. Bago ito nalagutan ng hininga ay hiniling nito na huwag na siyang umalis ng bahay nito kahit yuamo na ito at dumating ang kaisa-isang apo at tagapagmana nito na si Nicko.

Unang kita pa lang niya sa lalaki ay nagpakita na ito ng matinding animosidad sa kanya. he was too surprised to know that he inherited his estranged grandfather's vast resources. But there was a catch. Mapapasakamay lang nito ang mana kung susundin nito ang huling hiling ng lolo nito.

Why, Lolo Crisostomo was so annoyingly generous. Dahil pati siya ay ipinamana nito sa apo nito!

The Floral Collection: How To Kiss A Guy

Type: The Floral Collection
Book No.: 2465
Year Released: 2011
Publication: PHR


"I've known her for years. Isang libong 'I hate you' na ang natanggap ko mula sa kanya. I know she's far from ordinary. But I love her and I love her absurdity or whatever her definition of 'special' is."

Head over heels si Bianca kay Raf pero hindi siya pansin ng binata. When she learned the best way to his heart was to learn how to play the guitar, kinulit niya ang kuya niya upang turuan siya nito. Hindi ito pumayag at sa halip ay inirekomenda nito ang dating bandmate nito na si Radd. 

Maisip pa lang niya ang pagmumukha ni Radd ay umaalingawngaw na sa magkabilang tainga niya ang mga salitang "mayabang," "bastos," at "babaero." Pero wala siyang choice kundi makibagay rito kung sa hukli ay mapapansin naman siya ni Raf. 

Pero hindi lang pala ang paggigitara ang kailangang matutuhan niya. Because Raf wanted a good kisser, too. She had never been kissed, for Jude’s sake! At dahil ito ang gusto niyang maging first kiss at first boyfriend niya, kailangan niyang matutong humalik. 

Paano at sino ang magtuturo sa kanya?

Oh, no... It couldn’t be Radd, too! 

The Billionaire's Contract Wife

Type: Translations
Book No.: 4
Alternative Nom de Plume: Sumire Villegas
Year Released: 2011
Publication: PHR


“You’ve changed me… And I need you to help me understand the person I’ve become. I need you to show me how to be the man you want me to be.”

Napilitan si Lizzie na magtungo sa Cebu dahil sa isang summon letter na mas tamang tawaging, “threat letter” galing kay Ylan Manos. Hindi raw legal ang pagtatayo niya ng gusali sa lupain na pag-aari nito. Ang balak lang sana niya ay makausap nang maayos ang lalaki para matapos ang problema.

May isa lang siyang hindi inaasahan: pinsan ni Ylan ang isa sa mga sira-ulo niyang business partner at dahil tumakas na ang mga ito, naiwan sa kanya ang responsibilidad na harapin ang galit ni Ylan. And he wanted full compensation for it.

Dahil wala naman siyang sapat na yaman para mabayaran ito, may inilahad itong proposal sa kanya: puwede raw siyang magpakasal dito dahil kailangan nito ng asawa. Kapag pumayag siya, bayad na siya sa utang niya, magiging financially secure pa ang pamilya niya.

Pero paano naman ang puso niya?

Stallion Riding Club Revisited: Ruki Takizawa

Type: Series
Book No.: 2
Year Released: 2011
Publication: PHR


Napilitan si Chi na pumayag sa plano ng kanyang pamilya na magpakasal sa anak ng ninang niya. Dahil sa sakit nito na wala ng lunas, naging kahilingan na lang nito na makita ang nag-iisang anak na matagal ng nahiwalay dito. ang problema, ayaw itong makita ng anak nito na isang vocalist pala ng isang sikat na banda sa Japan.

So Chi had to go all the way to that snow-filled country, endure the feaking cold, and the freaking coldness of Ruki himself. It was obvious he didn’t want her. And was frank enough to tell to her face that he doesn’t want anything to do with her or her country.

Nilunod na sana niya ito sa snow kung hindi lang niya iniisip ang kalagayan ng ninang niya. kaya pinagtiyagaan niya ang ugali ni Ruki. Hanggang sa matuklasan niyang hindi naman pala ito kasing sama gaya ng una niyang akala. In fact, he could be sweet…when he’s in the mood.

Kaya hindi na katakataka kung mahulog man ang loob niya rito. Kaya lang, paano na kapag nalaman nitong kinaladkad lang niya ito sa Pilipinas para sa kinamumuhian nitong ina, at hindi dahil sa magpapakasal sila?

Campus Girl: Maxene, The Boyish Girl

Type: Series
Book No.: 12
Year Released: 2011
Publication: PHR


Maxene had always been one of the boys. Lumaki siya na pulos mga lalaki ang kasama kaya tila mas alam pa niya kung paano ang maging isang lalaki kaysa maging isang babae.

She believed that men were naturally dominant and proud. Pero mukhang above average ang angking kayabangan ni Kristofer “Tofee” Villados. Kahit kailan ay hindi siya magkakagusto sa isang lalaking mistulang inflated ego na nagkatawang-tao.

“Hang out with me for one whole day. Ipapakilala ko sa `yo ang sarili ko. Patutunayan ko sa iyo na mabuting tao ako,” sabi nito sa kanya minsan.

Nang mabigyan nga siya ng pagkakataong makilala ito nang lubos, na-realize niya ang isang napakaimportanteng bagay: hindi immune ang puso niya rito.

Saturday, September 17, 2011

Wishing For A Star

Type: PHR Collection
Book No.: 3951
Year Released: 2011
Publication: PHR


Maya was a grade school teacher and a passionate reader of romance pocketbooks. Wala siyang gaanong adventure sa buhay. Wala rin siyang naging matinong relasyon. She was longing to meet her true love, the one who would give her the greatest adventure of her life.

Mukhang dumating din iyon nang isang gabing hindi niya inaasahan ay bigla na lang siyang hinagkan ni JM Guzman, ang hinahangaan niyang sikat na artista. Ang problema, lasing ito at hindi nito alam ang mga ginawa nito sa kanya. Nang muli silang magkaharap ay hindi siya nakilala nito. Pero isa lang ang nasiguro niya: napakaambisyosa ng puso niya dahil ito pa ang napili niyon na maging true love!

Parang isang bituin ito na kailangan pa niyang sungkitin mula sa langit. Sukdulang mamasukan siyang housemaid nito ay gagawin niya para lamang mapalapit dito at mabihag ang pihikang puso nito. Now, she was in for the greatest adventure of her life.

Hot Intruder: The Mysterious Intruder

Type: Imprints
Book No.: 3909
Year Released: 2011
Publication: PHR


Way back in high school, si Gwen ay isang unattractive nerd na hilig i-bully ng isang grupo ng mean girls. Ayaw na sana niyang balikan ang nakaraan ngunit mayroon silang class reunion na kailangan niyang daluhan. Sa muli nilang paghaharap ng mean girls ay siguradong hindi na siya lalait-laitin ng mga ito kung magpapakita siya na may bonggang hitsura, successful career, at guwapong boyfriend.

Ang problema, wala namang nagbago sa unfashionable look niya. Hindi maaaring malaman ng kahit sino kung ano ang trabaho niya at wala rin siyang maihaharap ni pangit na nobyo.

Isang gabi ay may isang guwapong lalaking pumasok sa kanyang bahay nang walang paalam. Sinabi niyang idedemanda niya ito ng trespassing ngunit nag-alok ito ng magandang offer para hindi na ito maidemanda: tutulungan daw siya nito na ma-achieve ang goal niya para sa college reunion niya. Ang offer nito: grand makeover, fabricated job, at good-looking pretend boyfriend.

Ma-solve kaya nito ang problema niya o mapapahamak lamang siya… at pati ang puso niya rito?

Campus Girl: Anikka, The Free Spirit

Type: Series
Book No.: 11
Year Released: 2011
Publication: PHR


Inalok si Anikka ni Allen ng isang nonserious, noncommittal relationship. Mahal niya ang kalayaan niya kaya pabor sa kanya ang ganoong relasyon. Para lang silang naglalaro habang ine-enjoy nila ang company ng isa’t isa.

“We won’t fall in love with each other. Kapag na-in love ka sa akin, iiwan kita,” malakas ang loob na sabi pa niya rito.

“Yeah. `Wag ka ring mai-in love sa akin. Kahit napakahirap, pigilan mo ang sarili mo,” ganti nito.

She chuckled. Chicken feed ang hinihiling nito.

Pero masama nga yata ang nagsasalita nang tapos. Dahil wala siyang nagawa nang mahulog ang puso niya kay Allen. Ang masama pa, mukhang hindi siya magagawang mahalin nito kahit ano ang gawin niya dahil sa isang Lizzy mula sa nakaraan nito...

Tuesday, September 13, 2011

Stallion Riding Club Revisited: Jakob Dylan Arenaz

Type: Series
Book No.: 1
Year Released: 2011
Publication: PHR


Yelena was brokenhearted, so was Jakob, when they met in the middle of a heavy rain in the middle of a heavy traffic. Palibhasa parehong sawi, kaya natural lang na magbanggaan sila.

Pero nagbago ang ihip ng hangin nang makarating sila sa Stallion Riding Club. Naging mabait kay Yelena si Jakob sa hindi niya malamang kadahilanan. Habang tila natahimik naman ang nagwawalang kalooban niya dahil sa nangyari sa kanya.

And things got even more interesting when she started feeling something for every sweet thing he did.

Posible kayang magkasundo ang dalawang pusong bigo at muling sumubok sa laro ng pag-ibig?

I Love You Anyway

Type: MSV Collection
Book No.: 1
Year Released: 2011
Publication: My Special Valentine


Ruth is on her way to the top of her career. Organisado ang buhay niya at wala na siyang pakialam sa anumang walang kinalaman sa kanya. Tanggap na rin niyang tatanda siyang dalaga.

May isa lang panggulo — si Knight Hontiveros. Wala itong trabaho at mukhang nakawalang wild animal dahil sa hitsura nitong pulos bigote at balbas. Ngunit malayo naman sa pagiging wild animal ang ugali nito; he is actually sweet and very nice — not to mention he also possesses the hottest body on the planet. Natuliro pati bangs niya lalo na nang magtapat itong crush siya nito mula noong mga bata pa sila.

Pero para sa isang career-driven na taong tulad niya, mahirap tanggapin sa pride na mahalin ang isang binatang wala yatang magandang kinabukasan.

Saturday, July 9, 2011

Guardian Of My Heart

Type: COH Collection
Book No.: 4
Year Released: 2011
Publication: Chapters of the Heart


"Hayan, may bago ng guwardiya ang puso mo..."

Tinay grew up with loving a boy from a picture her aunt gave her when she was a child. At ang larawang iyon ng batang lalaki ang naging pananggalang niya sa mga gustong manligaw sa kanya. She never wanted to get hurt so she would use every way possible to dodge getting hurt.

Years passed, nagbalik ang tiyahin niyang may sala ng lahat at sinabi sa kanya na maaari na niyang makita ang mature version ng batang lalaki sa paborito niyang larawang iyon. She had no idea she was secretly saving herself for that man.

Nang magkita sila sa wakas, doon niya nalaman na kasabay ng paglaki niya kasama ng larawan ng batang iyon ay ang paglago rin ng damdamin niya para rito. But the mature version already has a girlfriend. And he was gearing up to propose to that woman.

Paano na ang puso niyang nasanay na ang tanging minamahal ay ang lalaking iyon sa larawan?

Thursday, June 30, 2011

The Floral Collection: Hitch Catch

Type: The Floral Collection
Book No.: 2443
Year Released: 2011
Publication: PHR


"You know what could really make me happy? You, only you."

Sumama nang labis ang loob ni Tanya nang ipagkasundo siya ng kanyang ama sa anak ng taong pinagkakautangan nito nang malaki. Pero gagawin niya ang nais nito para hindi ito makulong. 

Para saglit na makalimutan ang problema ay nagtungo siya sa isang bar. Doon ay nakita siyang isang guwapong lalaki. Dahil sa espiritu ng alak ay naikuwento niya rito ang tungkol sa problema niya. 

And the next thing she knew, niyayaya na niya itong tulunmgan siyang makaganti sa lalaking mapapangasawa niya. And that was to lose her virginity before the nightmare of a wedding. 
After that wonderful night, wala na siyang naging balita sa lalaki. Ang akala niya ay iyon na ang una at huling pagkikita nila. 

Hindi pala. Dahil nalaman niya ang identity ng guwapong lalaking nakainig niya. He was her groom’s older brother! 

The Floral Collection: Kissing Miss Wrong

Type: The Floral Collection
Book No.: 1286
Year Released: 2011
Publication: PHR


"Maybe you're not my idea of a perfect woman but that doesn't stop me from loving you."

Natagpuan na lamang ni Sam ang sariling nakakulong na sa mga bisig ni Nathan; his mouth was hovering over hers. Tila huminto ang pag-inog ng mundo sa kanilang dalawa. Her thougths were in chaos at kulang ang salitang "shock" para ipaliwanag ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. And she was becoming addicted to his soft lips and burning touch.

At naalarma ang isip niya ng dahil doon. Alam niyang hindi siya ang ideal woman na hinahanap nito at masasaktan lamang siya kapag nagpatuloy ang kahibangan niya rito.

She had lost her defenses and she had already lost her heart to him. Paano pa niya ililigtas ang kanyang pusong hindi nagpapigil na umibig dito?

Thursday, May 26, 2011

I Love How You Love Me

Type: COH Collection
Book No.: 3
Year Released: 2011
Publication: Chapters of the Heart


"I would rather risk another heartache than never having the chance to love the woman who loved me at my worst."

Kailangan ni Mari ng pera kaya hindi na siya nagdalawang-isip tanggapin ang alok ng matandang babaeng nakilala niya na maging caregiver ng apo nitong si Railan Castillo -- probably the most irritating person that ever walked on the planet, in crutches. Unang tuntong pa lang niya sa bahay nito ay pinalayas na siya nito.

But later on, nagpakita na rin ito ng kabaitan sa kanya. Idagdag pa ang pasulput-sulpot na ka-sweet-an nito.

Until he became the sweetest and the most gentle person in the world who made her feel beautiful and treasured. Pero kung kailan handa na siyang tanggapin ang nararamdaman niya rito, saka naman siya binanatan nito ng: "I want you to come with me to visit my fiancee." Nabitin tuloy ang puso niya.

Back To You

Type: COH Collection
Book No.: 2
Year Released: 2011
Publication: Chapters of the Heart


"I didn't mean to lie to you or hurt you. I only wanted to be near you again. Pagkatapos ng maraming taong pagkakahiwalay natin, hindi mo lang alam kung paano akong nanabik na makita kang muli at makasama."

Unang beses pa lang nakita ni Andy si Christian ay matinding crush para dito ang agad dumapo sa musmos pa niyang puso. Pero may kaunting problema, bakla raw ito.

Ayaw niyang paniwalaan iyon. Paano siyang maniniwala gayong nagalit ito na tila nagseselos nang may manligaw sa kanya? Hanggang sa umalis ito ng bansa na hindi man lang nagpapaalam sa kanya.

Years passed, muling bumalik sa buhay niya si Christian. Nagtaka siya nang maramdamang ang fascination niya rito noon ay nasa puso pa rin niya. And it gotten worst dahil sa tuwing makikita niya ito ay lumalakas ang tibok ng kanyang puso.  Mukhang natuluyan na siyang na-inlove dito.

Paano ba naman kasi siyang hindi mapapaibig ng lalaking ito na mula ulo hanggang paa ay tunay na Adonis ang dating at walang maniniwalang minsan ay pinaghinalaan itong bakla?

Loving Alucard

Type: COH Collection
Book No.: 1
Year Released: 2011
Publication: Chapters of the Heart


"Just say the word. Just tell me you don't want me to go and I'm all yours."

Sa simula pa lang ay weird na ang lahat kina Juyi Mei at Alucard. Dahil bukod sa dinami-dami ng lugar ay sa rally sa kalye nakilala ni Juyi Mei ang binata, weird din ang pangalan nito at weird pang manamit. Pero sa lahat ng weird, ito na yata ang pinakaguwapo.

The only problem is, she hated him. He was an egoistic maniac who doesn't have a care in the world besides his world. At bilang kasapi ng isang women organization, sigurado siyang ito ang tipo ng lalaking buong buhay niyang kakalabanin. Mabuti na lamang at magkaiba ang mundo nila kaya hindi na sila magkikita pa.

Pero nagtagpo uli ang kanilang mga landas nang "kidnapin" nito ang pinakamamahal niyang aso. Ang ransom? Magpo-propose siya ng kasal dito.