Showing posts with label Drop Dead Playboys. Show all posts
Showing posts with label Drop Dead Playboys. Show all posts

Friday, April 22, 2011

DDP Batch 2: Hayden Villaruiz, The Lost Prince

Type: Series
Book No.: 21
Year Released: 2008
Publication: PHR


As a poor provincial girl who believed in fairy tales, Lora had always been waiting for her prince to come along and take her to his palace. Hanggang sa dumating nga ang isang malaprinsipeng lalaki sa buhay niya. Ang problema ay hindi nito matandaan kung nasaan ang palasyo nito. He had no memory and he was penniless. 

Suddenly, she had a princely husband. Wala man itong mga ginto at kayamanan, minahal niya ito nang tunay. She thought they could live happily ever after but she was wrong. Bumalik ang alaala nito. Natuklasan nito ang tunay na pagkatao nito at hindi na siya kinilala nito bilang asawa.

Sadyang wala yata talagang happy ending. Dahil sa halip na dalhin siya ng kanyang prinsipe sa palasyo nito upang pakasalan ay ginawa pa siyang alipin nito.
Mukhang paatras yata ang kanyang fairy tale...



Type: Series
Book No.: 22
Year Released: 2008
Publication: PHR


Marriage. Wife. Children. Walang interes si Hayden sa mga bagay na iyon. Kaya hindi niya matanggap na nakatakda na siyang magkaroon ng isang asawa at anak. Nakatakda na siyang magpakasal sa isang babaeng ni hindi niya mahal. 

Isa lamang ang solusyon sa problema niya. And that was to run away.

Ngunit hindi na niya kinailangang gawin ang bagay na iyon dahil ang tadhana na mismo ang naglayo sa kanya sa kasal na hindi niya ginusto.

Nakaligtas nga siya sa kasal na hindi niya gusto ngunit nang magising siya mula sa malalim na pagkakahimbing ay may asawa na siya...

DDP Batch 2: Rico Medina, The Third Love

Type: Series
Book No.: 19
Year Released: 2008
Publication: PHR


Nanganganib na matanggal ang column ni Gale sa pahayagan na pinagsusulatan niya. Determinado siyang mapigilan ang pagtatanggal niyon kaya humanap siya ng nakapainteresante at kakaibang istorya na maaari niyang gamitin upang isalba ang kanyang column.

Nakahanap naman siya ng magandang istorya sa pamamagitan ng isang painting. May istorya raw ang painting na iyon at totoo raw ang lalaking nasa canvass. 

Sa paghahanap ng in-depth story tungkol sa lalaki sa painting ay nakilala niya si Rico Medina, ang apo ng lalaki sa kuwento na ubod ng sungit. She would have to get close to his family through him. Dahil sa pamilya nito lamang niya makukuha ang mga impormasyong kinakailangan niya. Ang problema ay paano siya makakalapit dito nang hindi siya sinusungitan nito?



Type: Series
Book No.: 20
Year Released: 2008
Publication: PHR


Isinumpa ang lalaki sa kuwento sa painting na ginamit ni Gale sa istoryang isinulat niya sa kanyang column. Nagmahal nang tatlong beses ang lalaki at tatlong beses ding nasaktan at nabigo.

Habang kasama niya si Rico ay natuklasan niyang hindi pala tumigil sa lolo nito ang sumpa dahil mukhang pati ito ay dinaranas ang hindi magandang kapalaran ng abuelo nito sa pag-ibig. 

Hindi nagtagal natuklasan na lang niya ang pagnanais na tulungan si Rico na makawala sa sumpa. She knew her love for him would save him from the curse. Pero ano ang silbi ng pagmamahal niya kung hindi pag-ibig ang nararamdaman nito para sa kanya?

DDP Batch 2: Trent Sandoval, My Love, My Hero

Type: Series
Book No.: 18
Year Released: 2008
Publication: PHR


Carla hated Trent to the core. Eighteen years old pa lang siya ay galit na siya rito dahil ito ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay ng kanyang first love. Sa pagbabalik niya mula sa Amerika pagkalipas ng limang taong pamamalagi roon ay taglay pa rin niya ang galit na iyon para dito.

Kaya naman nang buyuin siya ng mga kaibigan niyang paghigantihan si Trent ay umayon siya sa plano ng mga ito. Ang plano nila ay sirain din ang pakikipagrelasyon ni Trent sa mga babae katulad ng ginawa nitong paninira sa relasyon nila ng kanyang first love.

She was enjoying ruining his dates and seeing him get mad until she felt as if something suddenly went wrong. Bigla-bigla ay may naramdaman siyang kakaiba para dito. Soon, she realized she was falling in love with him. And to add to her pain, he was getting married... to another woman!

DDP Batch 2: Hiro Villaruiz, Wanted: Perfect Wife

Type: Series
Book No.: 16
Year Released: 2008
Publication: PHR


Hindi makapaniwala si Alyana nang minsan ay may isang kliyenteng magpahanap sa kanya ng kakaibang ideal wife--isang asawang tila laruan ang turing. Halos maloka siya sa matchmaking job na iyon na muntik nang ikatapos ng kanyang career.

Kaya nang maulit ang pangyayaring iyon ay nawindang siya. Paano ay ang first and only love niyang si Hiro Villaruiz ang bagong kliyente na nagpapahanap ng laruan, este, asawa sa kanya.

Hindi na siya nagdalawang-isip pa. Nagboluntaryo siya na maging “asawa” nito. Wala siyang pakialam kahit gamitin lang siya nito. Ang mahalaga ay magkaroon siya ng pagkakataong makasama ito. Pero ang problema ay tinanggihan nito ang pagboboluntaryo niya.

Now, she had to do something to make him want to get her as his wife for hire, by hook or by crook!



Type: Series
Book No.: 17
Year Released: 2008
Publication: PHR


Ginawa ni Alyana ang lahat para siya ang pakasalan ni Hiro. Ibinuhos niya ang lahat ng powers niya para lang magkaroon siya ng pagkakataon na makasama ang kaisa-isang lalaking nagpatibok ng kanyang puso. And she made it. Thanks to her superb talents in pulling off pranks and posing skills. Now she was Mrs. Alyana Villaruiz. 

Ang plano niya ay paibigin ang asawa ngunit kahit mag-asawa na sila ay parang wala pa rin siyang kapag-a-pag-asa rito. 

Kung ang virgin mother ay si Mama Mary, siya yata ang virgin wife.

DDP Batch 2: Giovanno Villegas, The Man-hater And The Lady-killer

Type: Series
Book No.: 14
Year Released: 2008
Publication: PHR


Nang bumalik si Alexa sa Pilipinas mula sa ibang bansa, inakala ng lahat na ang pakay niya ay upang kunin ang kanyang mana mula sa yumaong lolo niya. Ngunit may iba pa siyang dahilan sa pagbabalik niya sa bansang tinirhan din niya ng maraming taon noon.

Bumalik din siya upang magtago mula sa isang kasalanang hindi niya pinagsisisihang ginawa niya. Ngunit sinundan siya ng panganib. Suddenly, she was being chased by armed men. 

Alam niyang kayang-kaya niyang lusutan ang mga iyon. Ang hindi lamang niya maintindihan ay kung bakit kailangang umeksena si Gio, ang lalaking naging upang magkaroon siya ng grudge sa mga tulad nitong mapaglaro sa damdamin ng mga babae.

At ngayon ay pumapapel pa itong tagapagligtas niya.



Type: Series
Book No.: 15
Year Released: 2008
Publication: PHR


Desidido si Gio na hanapin si Alexa upang kunin ang premyo niya mula sa dalagang tinakbuhan ang kasunduan nila. Hindi lamang ang premyo ang pakay niya. He also wanted to tame her and make her realize men's power over women. 

Fortunately, he found her. Pero may problema. Nalaman niyang hindi lamang siya ang naghahabol dito. Nasa panganib ang buhay nito.

Suddenly, he felt the need to protect her.

DDP Batch 2: Geoff Sandoval, My Heart, My Home

Type: Series
Book No.: 12
Year Released: 2008
Publication: PHR


A year after Ella's grandmother passed away, a man named Geoff showed up at her doorstep. May hawak itong katibayan na ito ang may-ari ng bahay at lupa na tinitirahan niya at ng kanyang yumaong lola.

Si Don Herminio pala na namayapang lolo nito ang totoong may-ari ng mansiyon. Ipinamana raw dito iyon kaya sinabihan siya nito na umalis doon dahil wala siyang karapatan na manatili doon.

Ngunit pinapangako siya ng kanyang lola na huwag siyang aalis doon kahit ano ang mangyari. Desidido siyang tuparin iyon kaya sa kabila ng mga pananakot ni Geoff ay pinanindigan niya ang kanyang desisyon.

As they stayed together in one house, they tried to discover his grandfather and her grandmother's old secrets. Kasabay niyon ay natuklasan din niyang umiibig na siya kay geoff. But she knew that sooner or later, she would have to leave the house.



Type: Series
Book No.: 13
Year Released: 2008
Publication: PHR


Ella was well aware she and Geoff were worlds apart. Mayaman ang binata at mahirap lang siya. Lumaki ito sa modernong pamumuhay at siya ay sa makaluma. Marami siyang pinaniniwalaang hindi nito inaayunan at bagkus ay pinagtatawanan pa nito. Wala sila ni isang bagay na ikinatugma. Hindi sila bagay.

Alam niyang walang patutunguhan ang lihim na damdamin niya para dito. kailanman ay hindi siya magugustuhan nito. Ngunit bawat araw na lumilipas ay mas minamahal pa niya ito.

But she could not leave the house because of her grandmother's death wish. Makakaya kaya niyang mapaglabanan ang damdamin para sa binatang kahit madalas magsungit ay guwapo pa rin sa paningin niya?

Tuesday, March 22, 2011

DDP Batch 1: Dex Peralta, An Interview With A Playboy

Type: Series
Book No.: 10
Year Released: 2007
Publication: PHR


Nagsimula ang galit ni Jenna kay Dex Peralta nang paglaruan siya nito noon nang dahil sa isang interview na kailangan niyang makuha rito para sa kanilang campus paper. He was tagged as the "campus king." He was their university's varsity team captain and the most infamous bad boy and campus heartthrob at the same time.

Ayaw nitong magpa-interview sa kanya. Kaya kinailangan pa niyang umisip ng gimik para paunlakan siya nito sa isang interview. Kinailangan pa niyang ibahin ang kanyang pagkatao para lang pansinin siya nito. Ngunit tila iyon pa ang naging ugat para lalong mapaglaruan siya nito.

Fast forward to present time. She was now a media person. At tila naulit yata ang sitwasyon. Sa pagbabalik ni Dex sa basketball scene ay kailangan niyang muling hingan ito ng interviews. But she had learned her lessons. Sa pagkakataong iyon, hindi na niya hahayaang mapaglaruang muli nito ang puso niya.



Type: Series
Book No.: 11
Year Released: 2007
Publication: PHR


Jenna was back in the same situation four years ago. Kailangang makuhanan uli niya ng interview ang taong kinamumuhian niya nang labis. At hindi lang isang interview ang kailangan niyang kunin mula rito kundi dalawa pa.

Sa pagkakataong iyon, hindi na niya hahayaang masaktang muli nito dahil matigas na ang puso niya.

But as she tried to get the interviews, natuklasan niynag umiibig pa rin pala ang puso niya rito sa kabila ng mga taong lumipas. Would she risk getting hurt the second time around?

DDP Batch 1: Red Madrigal, Crazy In Love

Type: Series
Book No.: 8
Year Released: 2007
Publication: PHR


Ayon sa sumpa na nagmula sa abuela ni Hannah, matutulad dito ang susnod na anak na babae sa kanilang lahi kung hindi nila mapapaibig ang unang lalaking iibigin nila. Mababaliw rin daw sila katulad ng kinasapitan nito.

At ngayon, siya ang nakatakdang sumunod sa yapak nito. Siya naman ang namemeligro ang katinuan dahil sa sumpang iyon na hindi pa matapu-tapos! Dahil paano siya magugustuhan o mamahalin ni Red Madrigal -- ang lalaking pantasya niya-- kung hindi naman siya kagandahan?



Type: Series
Book No.: 9
Year Released: 2007
Publication: PHR


Red's life was like a wild party -- liberated, reckless, rowdy, always on cloud nine. But that was about to change. Hindi nito matanggap ang mga nakatakdang pagbabago sa buhay nito nang pumasok ito sa Madrigal Group of Companies at iwan ang pagmomodelo nang dahil sa dominasyon ng ama. At simula niyon ay nagkasunud-sunod na ang mga problema sa buhay nito.

A mysterious abductor.

A crazy ex.

A forced wedding.

Lahat ng iyon ay nagpagulo sa buhay nito. At isang tao lang ang kasama nito sa lahat ng pagsubok na iyon sa buhay nito.

Si Hannah, ang sekretarya nitong tila may misteryo rin sa pagkatao.

DDP Batch 1: Blue Madrigal, My Freaky Fiancée

Type: Series
Book No.: 7
Year Released: 2007
Publication: PHR


Kimberly was known for her freaky personality. She was fearless, playful and manipulative. Not even her so-called fiance Blue Madrigal could tame her. Lalo pa at alam niyang napipilitan lang ito sa engagement nila.

Kung bakit naman kasi kailangan pa siyang paglaruan ng kanyang yumaong lolo sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang proviso sa huling testamento nito-- isang proviso na hindi niya nagustuhan. Lalo pa at si Blue na lang ang natitirang solusyon sa problema niya.

She hated him to the core. Wala siyang pakialam kahit hindi niya makuha ang mana niya mula sa kanyang lolo basta huwag lang siyang makasal dito. Ngunit naisipan niyang paglaruan ang sitwasyon... at si Blue.

Pero mukhang siya yata ang napaglaruan nito. napaglaruan na naman nito ang puso niya... for the second time around...

DDP Batch 1: Luke Pascual, Dangerously In Love

Type: Series
Book No.: 5
Year Released: 2007
Publication: PHR


Gumawa si Samantha ng sariling imbestigasyon tungkol sa pagpapakamatay ng best friend niyang si Yve. And being a professional lady bodyguard, she had the capability and means to do so.

May natagpuan siyang posibleng suspect. Ang boss ni Yve na si Luke Pascual. Nalaman niya mula sa personal belongings ni Yve na nagkaron ito ng relasyon sa boss nito.

Coud it be that her friend's playboy boss broke her heart ruthlessly which resulted to her killing herself? Sam had to know. Kailangan niyang makalapit kay Luke. Malapit na malapit. Kaya nagplano siya ng paraan para kailanganin nito ang isang bodyguard. At nagtagumpay naman siya. Nakapasok siya bilang bodyguard nito.

As she dug up the mystery of her friend's death, naging totohanan ang pagkakalagay sa panganib ng buhay ni Luke. Pero mukhang hindi lang yata ito ang dapat niyang protektahan mula sa taong nagbabanta sa buhay nito... kundi pati ang puso niya mula rito.



Type: Series
Book No.: 6
Year Released: 2007
Publication: PHR


Hindi matahimik ang isip ni Samantha tungkol sa misteryosong pagkamatay ng kanyang kaibigan. At ngayong may nalaman siyang dalawang maliliit na detalyeng maaaring magpatunay na posibleng ngang si Luke ang lalaking nanakit sa damdamin ng kanyng kaibigan kaya ito nakaisip na magpatiwakal ay lalo siyang nasaktan. Galit siya. Hindi niya maintindihan ang kanyang nadarama.

Dahil sa kabila ng kanyang nalaman, ay may isang bahagi ng kanyang pagkatao ang ayaw pumanig sa konklusyong kanyang nabuo...

DDP Batch 1: Dominick Pascual, The Nearness Of You

Type: Series
Book No.: 3
Year Released: 2007
Publication: PHR


Burned-out of love and poverty, Queenie finally decided to get down to reality and stop dreaming about Prince Charming and believing in fairy tales. Ang nais na lamang niya ngayon ay ang mapaganda ang buhay ng kanyang pamilyang sa kanya lamang umaasa. Sawang-sawa na rin siya sa pagiging receptionist sa isang exclusive men's club at sa maling pagtingin ng mga lalaki sa kanyang trabaho.

Hanggang sa umeksena sa buhay niya ang mayamang don na nag-alok sa kanya ng kasal... ngunit peke lamang. Kailangan niyang umarte at magpanggap bilang fiancee nito sa harap ng lalaking anak nito.

Pero nang makita niya kung sino ang anak nito ay parang gusto na niyang wakasan ang drama nilang iyon.

Why, anak nito ang bastos na lalaking sinampal at sinuntok niya sa club nang pagsamantalahan nito ang kanyang kalasingan... Ang lalaking may magagandang mata at kung makatingin ay parang siya lang ang babae sa mundo...

Na nainis siya nang makita uli niya ito na may kahalikang ibang babae.



Type: Series
Book No.: 4
Year Released: 2007
Publication: PHR


Walang matandaan si Queenie sa mga pinagsasabi ng kaharap niyang si Dominick. Inaakusahan siya nitong "bayarang babae." At hindi lang iyon, sinisingil siya nito ng utang "daw" niyang isang libreng gabi dahil natalo siya nito sa kanilang pustahan.

Patuloy siyang nagmatigas sa pagtanggi, kahit sa totoo lang ay nanlalambot na ang kanyang mga tuhod.

"How about the kiss we shared that night? Hindi mo rin ba alam iyon? Hindi mo rin ba natatandaan kung paano ka tumugon sa halik ko?"

"I... I don't..." She stammered.

"Really? Okay, then let me refresh your memory," he whispered hoarsely and snatch her by the waist and pressed her body against his. Hindi na nakalabas ang pagsinghap niya sa kabiglaan sa ginawa nito dahil bigla ay sakop na nito ang kanyang mga labi.

DDP Batch 1: Xander Avila, Love Is Only In The Movies

Type: Series
Book No.: 1
Year Released: 2007
Publication: PHR


Sheye has a lot of names, different hairstyles and fake facial moles and various identities. She’s a drama queen. A very talented actress, scriptwriter and director rolled into one. She’s a production outfit in one body. Kayang-kaya niyang paikutin ang mga tao sa paligid nang hindi siya nabubuking sa ginagawa niyang palabas. She’s a very skilled liar, to be brutally exact. 

That’s her job. Ang magsinungaling. Ang magpanggap na ibang tao upang kumita. Ang job title niya—Hired Professional Impostor and Fabrication Specialist. Sa tuwing nagtatrabaho siya, iniisip na lamang niyang may camera at umaarte siya para sa isang pelikula. 

She was enjoying her effortless job. Hanggang sa dumating ang isang multi-million-peso job offer na nagpagulo ng buhay niya at nakatakda yatang magpa-bankrupt ng production outfit niya... 

Ang magpanggap bilang nawawalang anak ng tiyuhin ng lalaking nakasama niya ng isang gabi noong minsang nagpanggap siya bilang isang prostitute!



Type: Series
Book No.: 2
Year Released: 2007
Publication: PHR


“Sino ka ba talaga? The first time I saw you, you were a scheming runaway prostitute. And now, you’re suddenly my long-lost cousin? Kung nagawa mo akong lokohin noon, magagawa mo ring lokohin ang mga taong naririto. Why, you tricky little cheat. Hindi ko mapapayagang pati ang pamilya ko ay maloko mo at manakawan mo ng pera,” matigas na wika ni Xander.

“Hindi ako prostitute at hindi ko niloloko ang mga tao rito. Kung pinagdududahan mo akong nagpapanggap lang na nawawalang anak, hindi mo na kailangan pang gumawa ng kuwento at pasamain ang pagkatao ko sa pagbibintang na isa akong prostitute,” malumanay ngunit mariing sagot ni Sheye.

Lalong tumigas ang anyo nito na tila ba gusto siyang saktan. “Hindi ako naniniwala sa ‘yo.”

“I don’t care if you believe me or not. Pinaniniwalaan ako ng Papa ko, at iyon ang mahalaga. I want you out of my room now.”

“Not yet… may utang ka sa ‘kin, remember? I paid you for an unfinished job. I want to claim what I had already paid for. Now,” anito sa halos pabulong na tinig. His hot breath fanned her face that made her cheeks feel hot as well.

Lahat yata ng balahibo niya sa katawan ay nagtayuan sa ipinahihiwatig nito.