Showing posts with label Fairy Tales And A Love Bet. Show all posts
Showing posts with label Fairy Tales And A Love Bet. Show all posts

Tuesday, March 15, 2011

Fairy Tales And A Love Bet: Casey (Sleeping Beauty And The Campus Prince)

Type: Series
Book No.: 4
Year Released: 2006
Publication: PHR


Yuan was incredibly handsome. Tuwang-tuwa ito sa atensyon at paghangang ibinibigay rito ng mga babae. Except Casey. Para sa kanya ay mayabang ito. So what if he had the most geogeous eyes and brows she had ever seen? Ano ngayon kung matangos ang ilong nito at sensuwal ang mga labi nito? 

She hated the flirty, carefree, heartthrob type like Yuan. She wanted someone with brains, the responsible type. She hated playing around--which happened to be his expertise. Hindi niya hahayaang paglaruan siya nito dahil alam nito ang isang malaking sekreto sa buhay niya. Pero paano niya gagawin iyon? Matalino nga siya pero hindi siya tusong tulad nito...

Monday, March 14, 2011

Fairy Tales And A Love Bet: Barby (The Untamed Beauty And The Handsome Beast)

Type: Series
Book No.: 3
Year Released: 2006
Publication: PHR


Dahil sa kagustuhan ni Barby na manalo sa pustahan nilang magkakaibigan na siya mismo ang nagpasimuno ay ginawa niya ang lahat ng paraan para maging practice player sa basketball team na kinabibilangan ng subject ng pustahan--si Patrick Raymundo.

Ngunit nakasalalay sa antipatikong si Zandro de Vera ang desisyon kung makakasali siya sa practice team. Tiniis niya ang lahat ng pang-aalaska at pagti-trip nito sa kanya manalo lang siya sa pustahan. Pero akalain ba niyang in the process ay matututuhan niyang mahalin ito?

Fairy Tales And A Love Bet: Kelly (Snow White And Her Rugged Prince)

Type: Series
Book No.: 2
Year Released: 2006
Publication: PHR


Kelly was a walking temptation, the lass with the sexy wicked eyes, seductive pouting lips and a hot body. Nasa kanya na raw ang lahat na pisikal na katangiang gugustuhin ng isang lalaki sa isang babae. But not for Patrick. Ayon dito, wala siyang kaappeal-appeal. She felt humiliated. Nais niyang turuan ng leksiyon ang lalaki kaya hiningi niya ang tulong na pinsan nito na si Clifford. Clifford will be her source of information, her trainor to be the kind of girl Patrick will surely like. At kapag napansin na siya ni Patrick, saka niya ipapahiya ito. 

It was a perfect plan. Well... Almost. Kung hindi lamang siya nag-backout dahil bigla, pakiramdam niya ay kay Clifford na nais mapalapit ng kanyang puso. 

Fairy Tales And A Love Bet: Cindy (Cinderella And Her Prada Shoes)

Type: Series
Book No.: 1
Year Released: 2006
Publication: PHR


Cindy was fearless and full of spunk. There was no way she could not make the royal snob, Patrick Raymundo smile. Alang-alang sa premyong Prada shoes ay gagawin niya ang lahat, magtagumpay lamang siya sa kanyang misyon. Pero bakit nang magtagumpay siya ay wala siyang makapang kasiyahan sa kanyang puso? Bagkus ay pagaalala pa ang pumino roon. 

The hell with the shoes. 

Dahil in love na yata siya kay Patrick. Pero paano kapag nalaman nito ang totoong dahilan kung bakit bigla siyang sumulpot sa buhay nito? Katapusan na nga yata ng pagiging princesa niya sa piling nito.