Showing posts with label my special valentine. Show all posts
Showing posts with label my special valentine. Show all posts

Tuesday, March 15, 2011

Race Against Love

Type: MSV Collection
Book No.: 2
Alternative Nom de Plume: Irene Lee
Year Released: 2006
Publication: My Special Valentine


"Roma... wag kang magpapaligaw, ah," ani Kyle.

"Kahit gusto kong magpaligaw, di makaporma ang mga lalaki dahil asungot ka," sagot ni Roma.

"I-promise mo, hihintayin mo ‘ko," patuloy nito.

Umangat ang kilay niya. "Lasing ka lang. Shut up. Matulog ka na." She turned to leave.

Napasubsob siya sa leeg nito nang biglang hilahin ng binata ang kamay niya. Nakapikit pa rin ito.

"Roma, stay in my arms for a while please?" bulong nito while she stared at his handsome face.

Napangiti siya sa narinig. Panahon na para makaganti sa stepbrother niyang hilaw...

Undercover Maid

Type: MSV Collection
Book No.: 1
Alternative Nom de Plume: Irene Lee
Year Released: 2006
Publication: My Special Valentine


"Huwag kang mag-alala. I promise not to kiss you again. I'll keep my distance from now on. Just don't leave," pakiusap ni Jett. 

Hindi sumagot si Lailani. Hindi niya kailangan ang trabaho bilang maid. Kung hindi lang sa personal na dahilan, ibabasura niya ang undercover job na iyon. 

"If you want you can punch me again. Just don't leave," sabi ulit nito nang hindi siya sumagot. 

Lihim siyang natuwa. Iyon talaga ang nakapagpapayag sa kanya para huwag munang umalis. 

She gave him an uppercut and left him groaning in pain.

Housemates, Heartmates

Type: The Man I Love
Book No.: 1
Alternative Nom de Plume: Irene Lee
Year Released: 2005
Publication: My Special Valentine


Isinumpa na ni Alvin ang mga babae. Simula ng lokohin ng fiancee nito ay naging woman-hater na siya. Then he met Faye- the enchanting seductress na may mala-anghel na mukha.

Sigurado siyang nobya ito ng bagong housemate niya. Naabutan niya ito sa kuwarto na halos hubad ang katawan habang natutulog. Lalo siyang nainis.

Higit niyang ikinairita ang pagnanasang binubuhay ng dalaga sa kanya. At kung hindi siya nagkakamali, sinasadya pa nitong asarin siya.

Then she set the record straight. Hindi ang boyfriend nito ang housemate niya. Si Faye mismo!