Showing posts with label sofia. Show all posts
Showing posts with label sofia. Show all posts

Thursday, May 5, 2011

Stallion Riding Club Batch 4: Reiven Alleje

Type: Series
Book No.: 48
Year Released: 2008
Publication: PHR


"Shut up and kiss me if you want to make it up to me."

Ang akala ni Sofiajade ay hindi na muling titibok ang kanyang puso mula nang mawala ang virologist na si Reiven. Isang aksidente ang kinasangkutan nito nang mag-training ito sa isang pharmaceutical company sa Venezuela. At nabalitang patay na ito.

Ngunit kung ang mga mata ay nagkakamali ng tingin minsan, hindi ang puso. Hindi maaaring hindi iyon makakilala. Kaya kahit anong pagkumbinsi ng paningin niya na hindi si Reiven ang estrangherong nakita niya na naliligo sa talon, sa bulubundukin ng Cordillera, naghuhumiyaw naman ang kanyang puso na si Reiven nga ang lalaki!

Stallion Riding Club Batch 4: Myco Gosiaco

Type: Series
Book No.: 46
Year Released: 2008
Publication: PHR


"Hindi ko hahayaang maramdaman mo na mag-isa ka. I want to stay here with you and I know I'm doing the right thing."

Olympia Montez was out to save the world. Isang impormasyon ang nakuha niya na isang terorista ang kinakanlong ng Stallion Riding Club. Kaya pumasok siya roon bilang si Florecina Malaybalay, ang ambisyosang housekeeper na ang gusto lang ay makapag-asawa ng guwapong member ng riding club.

Wala siyang planong ma-in love kung hindi lang humara-hara sa daraanan niya si Myco Gosiaco, ang masungit at supladong head ng security ng riding club.

Isang kalaban si Myco. Pero bakit nanatiling sutil at hindi nakikinig ang puso niya?



Type: Series
Book No.: 47
Year Released: 2008
Publication: PHR


"My senses told me to stay away from you. Pero lapit naman nang lapit ang puso ko."

Olympia threw caution to the wind when she fell in love with Myco Gosiaco. Nakalimutan na niya ang responsibilidad niya sa mundo. Subalit paano kung lumabas na ang totoong pagkatao niya? Paano kung malaman na ni Myco na siya ang mortal na kaaway nito?

Kaya ba niyang itapon na lang sa hangin ang pag-ibig niya rito o pipiliin niya ang tanggapin ang galit nito at patuloy na mahalin ito?

Wednesday, April 27, 2011

Stallion Riding Club Batch 4: Richard Don Robles

Type: Series
Book No.: 44
Year Released: 2008
Publication: PHR


"How could I look at another girl when you already lassoed my heart?"

Para kay Danzelle Ann isang babaero, lampa at makasarili si Richard Don. Kaya nang ipatapon siya sa riding club upang tulungan ito sa Lakeside Café‚ and Restaurant kung saan kasosyo nito ang kapatid niya, parang nagdeklara na rin sila ng World War Three sa isa't isa.

She hated him while he loved to tease her. At mukhang alam nito ang paraan para panginigin ang mga tuhod niya at pabilisin ang tibok ng puso niya.

She shouldn't underestimate him. He was a very dangerous enemy.

Stallion Riding Club Batch 4: Danrick Tezzoro

Type: Series
Book No.: 42
Year Released: 2008
Publication: PHR


"Alam ko na kaligayahan mo na maging masaya ako. I'll do everything to make you happy."

Bonggang-bongga ang beauty ni Vienezze nang makasampa siya sa Stallion Riding Club. Malapit nang matupad ang pangarap niya na makasama sa mga elite at makapag-asawa ng isang guwapo at mayamang miyembro ng riding club.

Sa kasamaang-palad, isang guwapo, makisig at hot na maggugulay ang nakatakdang maging kontrabida sa pangarap niya--si Danrick Tezzoro. Ilang mga kababaihan na sa Stallion Leisure Spa ang nag-resign dahil sa pagiging terror nito. At mukhang siya ang bagong pag-iinitan nito.

Tingnan lang niya kung hindi ito lumambot sa alindog niya.

Stallion Riding Club Batch 4: Mark Ashley Camello

Type: Series
Book No.: 41
Year Released: 2008
Publication: PHR


Sa kanyang muling pagbabalik, ang tanging inasam ni Daeia ay ang tanggapin siya ng Aringan, ang tribung nagtakwil sa kanya nang matagal na panahon. Nang malaman niyang tatanggapin siya, natuwa siya. Pero mabigat naman ang kapalit.

Kailangan niyang pagtiisan ang presensiya roon ni Mark Ashley Camello, ang pinakaguwapo pero pinakaaroganteng lalaking nakilala niya sa buong buhay niya. Ngunit sa kabila niyon ay natutuhan pa rin niyang mahalin ito.

At nang makasama niya ito sa Stallion Riding Club, parang ayaw na niyang bumalik uli sa Aringan. Ang nais na lang niya ay manatili roon. Sa piling nito...

Stallion Riding Club Batch 4: Zairo Montevedra

Type: Series
Book No.: 38
Year Released: 2008
Publication: PHR


Trizia hated everything with the letter “T” that day. Kinaltasan siya ng malaking tax, nahuli niya ang boyfriend niyang taksil na si Toby. And because there were no taxis around, she was harassed by some thugs. Mabuti na lang at dumating si Zairo Montevedra at iniligtas siya.

Noong una ay wala siyang balak na pagkatiwalaan ito. Ang tingin kasi niya rito ay malala pa ito sa boyfriend niyang si Toby. Di hamak na mas bolero ito at mabulaklak ang dila. And he spelled only on name for her: trouble.

But Zairo seemed ready to prove that he could easily tease his way inside her heart. And he made sure she couldn't resist him.

Stallion Riding Club Batch 4: Eizhiro Figueroa

Type: Series
Book No.: 37
Year Released: 2008
Publication: PHR


"Dahil sa iyo, ayoko nang magalit. Ayoko nang magtanim ng sama ng loob. Ang gusto ko na lang ay magmahal."

Handang-handa na si Gianna upang sumali sa isang baduy na game show. Pakiramdam kasi niya ay iyon na lang ang pag-asa niya para makabayad sa lahat ng pagkakautang niya dahil sa kanyang papalubog nang computer shop.

Subalit sa malas ay mukhang hindi siya kinakasihan ng tadhana. Sa gitna ng malakas na ulan, isang rumaragasang asul na sportscar ang nagpaligo sa kanya ng marumi at nakapandidiring tubig-baha. Nasira tuloy ang makeup niya, ang kanyang magandang buhok, pati ang kanyang bagong damit at sapatos.

“Excuse me!” pasigaw na sabi niya, pagkatapos ay kinatok ang tinted na windshield ng sasakyan.

Napanganga na lang siya nang bumaba ang bintana sa driver’s side at dumungaw ang driver. It was Eizhiro Figueroa, The King of Frown. At iyon na yata ang simula ng lahat ng kamalasan sa buhay niya. Dahil kahit saan siya pumunta ay wala na itong dinala sa kanya kundi kamalasan.

Aakalain ba naman niyang pati puso niya ay raragasain nito?

Stallion Riding Club Batch 4: Joziah Gatchalian

Type: Series
Book No.: 35
Year Released: 2008
Publication: PHR


Si Joziah ang isang bahagi ng nakaraan ni Brescia na ayaw na niyang balikan. Subalit paano kung ito mismo ang sumunod sa kanya para muling mahalin siya.

Handa nang itama ni Joziah ang lahat ng mali sa pagmamahalan nila noon. Kaya ba niyang tanggapin ang pagmamahal nito? Kaya rin ba niyang itama ang lahat at ihayag dito ang lahat ng sekretong itinatago niya sa kanyang puso?

Stallion Riding Club Batch 4: Hayden Anthony Ilano

Type: Series
Book No.: 33
Year Released: 2008
Publication: PHR


"Wala akong pakialam sa opinyon nila o sa nakikita nila sa iyo. Ang importante ay ang nakikita ng puso ko. At ikaw lang ang nakikita ng puso ko."

Katulad ng ibang kababaihan, ambisyon din ni Rei ang makapasok sa Stallion Riding Club sa pag-asang naroon ang lalaking makakasama niya habang-buhay. Ngunit ang natagpuan niya roon ay si Hayden Ilano, ang lalaking unang nagpatibok ng kanyang puso. Subalit mayroon itong maraming lihim na hindi alam ng iba. Kasama na roon ang dahilan kung bakit hindi nito maaaring mahalin siya.

"I want us to start anew, Rei. Bigyan mo ako ng pagkakataon na maipakita kung sino ang totoong ako," pakiusap nito.

Sino nga ba ang totoong Hayden? At bakit kahit anong pilit niyang talikuran ang pagmamahal niya rito ay pilit pa ring lumilingon ang puso niya?

Stallion Riding Club Batch 4: Thyago Palacios


Type: Series
Book No.: 31
Year Released: 2008
Publication: PHR


"Gusto mo pa bang ipagsigawan ko na ikaw ang babaeng mahal ko para marinig ng lahat at maniwala kang mahal kita?"

Liyah's idea of an ideal man was someone like her brother. She knew it was stupid. Nobody could be like her brother. Ngunit nang lokohin nito ang babaeng minahal, gumuho ang paghanga niya rito.

Thyago Palacios may not be her dream man. He was the exact opposite of her brother. In fact, he was a terrible plaboy. Malayung- malayo nga ito sa kuya niya na malambing at mapagmahal, pero susugal siya. Baka hindi rin ito katulad ng kuya niya na iniiwan ang babaeng minamahal...

Stallion Riding Club Batch 4: Gianpaolo Aragon

Type: Series
Book No.: 29
Year Released: 2008
Publication: PHR


“I am afraid to lose you. Hindi ko kayang gumising sa bawat araw na alam kong wala ka.”

Maganda na ang takbo ng buhay at career ni Dafhny. She was working on her dream project as an interior designer—the reconstruction of Casa Rosa. Pero hindi dream project ang Casa Rosa dahil sa kuwentong-multo na tumatakot sa kanya. And she was definitely scared of ghosts.

Gianpaolo Aragon, a certified babe of Stallion Riding Club, offered to look after her. Ito raw ang poprotekta sa kanya mula sa masasamang espiritu. Pero paano ba mapapanuto ang trabaho niya kung maya’t maya siyang inaakit nito? Magpapaakit na lang ba siya o habang-buhay na tatakbo palayo rito?

Stallion Riding Club Batch 4: Johann Cristobal

Type: Series
Book No.: 27
Year Released: 2008
Publication: PHR


Ipinangako ni Fridah Mae sa sarili na hindi na niya kakausapin o titingnan man lang si Cedric Johannson Cristobal, ang ubod ng sungit na kaibigan ng kuya niya. Hindi niya matanggap na binasted nito ang kagandahan niya at ipinagpalit siya sa isang babaeng hipon.

Pero nang magkita uli sila sa Stallion Riding Club, nagbago bigla ang ihip ng hangin. Parang sinapian na naman siya espiritu ng nakaraan niya at nabaliw na naman siya rito.

Sa pagkakataong iyon, hindi na siya uurong sa laban kahit babaeng hipon, balyena o pating pa ang humarang sa kanya. Sa kanya lang si Johann.

Stallion Riding Club Batch 3: Reid Alleje

Type: Series
Book No.: 24
Year Released: 2007
Publication: PHR


"It was sheer heaven when his lips probed hers. Pakiramdam niya ay nakilala pa niya ang isa pang bahagi ni Reid kapag hinahalikan siya nito..."

Tamara valued her independence so much, She was roaming the animal kingdom saving lives. Walang anumang nagtatali sa kanya. At malabo ang sa isip niya ang magmahal. Convenient iyon para sa katulad niya na hindi naranasang mahalin.

Pero sa minsang pagpunta niya sa Stallion Riding Club, inani niya ang galit ni Reid Alleje. Para makabawi rito ay naging veterinarian siya ng riding club. And once more, she was unwelcome. Wala siyang natanggap kundi hostility mula sa mga miyembro nito na galit na galit sa kanya.

And Reid Alleje's sweet kisses made matters worse.

It was not part of their deal. Dahil wala siyang plano na isuko ang katinuan ng isip niya o ng puso niya.



Type: Series
Book No.: 25
Year Released: 2007
Publication: PHR


"We are together now. Hindi ko na yata mai-imagine kung nasa ibang panahon o pagkakataon ako na 'di kita kasama at hindi ikaw ang babaeng mahal ko."

Tamara had to do everything to get away from Reid Alleje. Hindi na siya tatagal pa na maging asawa nito kahit sa pangalan lang. He was chauvinistic, overbearing and insensitive.

But it didn't stop her from falling for him. Isang bagay lang ang hindi niya kayang baguhin. Hindi kayang magmahal ni Reid.

Pipiliin ba niyang manatili sa piling nito kahit alam niyang hindi niya mararanasan pa ang pagmamahal nito kahit minsan?

Stallion Riding Club Batch 3: Reichen Alleje

Type: Series
Book No.: 23
Year Released: 2007
Publication: PHR


"Ang alam ko, wala nang halaga sa akin ang ego ko mula nang makilala kita. Of all the women I know, you are the only one who made me feel like a mortal."

Simple lang ang pangarap ni Saskia sa buhay: ang itaas ang reputasyon ng Artemis Equestrian Center, ang riding school na iniwan sa kanya ng tita Artemis niya. Nang magdagsaan ang mga kababaihan sa riding school nila na gustong makapasok sa Stallion Riding Club, pakiramdam niya ay minamaliit ang riding school niya.

So she had to declaire a match with her mortal enemy, Reichen Alleje. Kailangan niyang matalo ito para maibalik ang karangalan sa riding school niya.

Pero bakit parang dahan-dahang kinukuha nito ang puso niya habang unti-unti siyang nawawala sa sarili sa bawat halik nito?

She must fight him at all cost. She could never lose her heart to a playboy like him.

Stallion Riding Club Batch 3: Beiron Rafiq

Type: Series
Book No.: 22
Year Released: 2007
Publication: PHR


Lumaki si Khamya na hindi interesado sa mga lalaki. Until a prince swept her off her feet. Beiron Rafiq was a real prince. Isa itong maimpluwensyang royalty ng kaharian ng Al Ashiq at playboy rin. Nandito ang lahat ng katangian na iniiwasan niya sa isang lalaki.

But Beiron tried to prove to her that he could change for love. Hanggang kailan siya kakapit sa pangako ng pagmamahal nito? Was his love worth everything?

Stallion Riding Club Batch 3: Rolf Guzman

Type: Series
Book No.: 21
Year Released: 2007
Publication: PHR


Attorney Jenevie Escudero was satisfied with her life. Isa siya sa pinakabatang abogado sa bansa na nagsisimulang gumawa ng pangalan. Sa tabaho na umikot ang mundo niya. Pero nang malagay sa panganib ang buhay niya, her ex-boyfriends took over her life and shanghaied her to the Stallion Riding Club.

Ibang Rolf na ang kasama niya. Nagmistulang bingi na ito sa utos niya - hindi tulad dati na sa isang tingin pa lang niya ay nanginginig na ito.

Now she wondered why he took her to his haven. Did he want to get even because she dumped him before? Or was he trying to change her heart and make her fall for him again?

Stallion Riding Club Batch 3: Eiji Romero

Type: Series
Book No.: 20
Year Released: 2007
Publication: PHR


Keira was a professional horse traine. She could tame the wildest horse, throw a few punches, and make friends with snakes. Subalit nang dumating si Eiji Romero sa buhay niya, hindi niya alam kung paano iha-handle ito.

Iba siya sa mga babaeng nai-date na nito noon. At sa piling nito, naramdaman niyang babae siya kahit hindi niya kailangang mag-makeup, magdamit n pambabae o magsuot ng stiletto shoes.

Posible kaya na ma-in love sa kanya ang isang katulad ni Eiji?

Stallion Riding Club Batch 3: Philippe Jacobs

Type: Series
Book No.: 19
Year Released: 2007
Publication: PHR


Napasugod si Celestine sa eskwelahan ng pamangkin niya dahil ayon dito, inaapi ito ng kaklase nito. At sa lahi nila, bawal ang nadedehado. Sa kasamaang-palad, nakatapat naman niya ang tiyuhin ng bata na si Philippe Jacobs, ang lalaking palagi na lang laman ng mga pantasya niya.

"Miss,ikaw ba ang umaaway sa pamangkin ko?" walang kangiti-ngiting wika nio sa kanya.

"Ha?" Luminga-linga siya na parang ibang tao ang kinakausap nito a hindi siya. "Ah,ako ba ang kausap mo?" inosenteng tanong niya rito.

"Yes, Miss. Ikaw nga ang kinakausap ko. Sabi nitong pamangkin ko, inaaway mo raw siya."

Paano niya maipagtatanggol ang lahi nila, kung ang "nang-aapi" ay ang pinakaguwapong nakilala niya sa buong buhay niya? Wala siya sa mood na makipag-away kung ito ang kaharap niya.

Stallion Riding Club Batch 2: Kester Mondragon

Type: Series
Book No.: 18
Year Released: 2007
Publication: PHR


"All I want is to give you all the love I can give. Gusto kong ako lang ang lalaking nasa tabi mo para alagaan ka."

Yoanna had a sheltered life at the Stallion Riding Club. Kahit maraming lalaking nakapaligid sa kanya, hindi siya nagkainteres sa mga ito. She vowed that she won't allow any man to hurt her again.

Until Kester Mondragon became the riding club's new resident doctor. He was a gorgeous half Argentinian-half saint who broke her heart into pieces years ago. At makalipas ang mahabang panahon ay mababa pa rin ang tingin nito sa kanya.

She wanted to keep him at bay so she won't fall for him again. And there was only one way to do that. She had to seduce him.