Type: Series
Book No.: 19
Year Released: 2008
Publication: PHR
Nanganganib na matanggal ang column ni Gale sa pahayagan na pinagsusulatan niya. Determinado siyang mapigilan ang pagtatanggal niyon kaya humanap siya ng nakapainteresante at kakaibang istorya na maaari niyang gamitin upang isalba ang kanyang column.
Nakahanap naman siya ng magandang istorya sa pamamagitan ng isang painting. May istorya raw ang painting na iyon at totoo raw ang lalaking nasa canvass.
Sa paghahanap ng in-depth story tungkol sa lalaki sa painting ay nakilala niya si Rico Medina, ang apo ng lalaki sa kuwento na ubod ng sungit. She would have to get close to his family through him. Dahil sa pamilya nito lamang niya makukuha ang mga impormasyong kinakailangan niya. Ang problema ay paano siya makakalapit dito nang hindi siya sinusungitan nito?
Type: Series
Book No.: 20
Year Released: 2008
Publication: PHR
Isinumpa ang lalaki sa kuwento sa painting na ginamit ni Gale sa istoryang isinulat niya sa kanyang column. Nagmahal nang tatlong beses ang lalaki at tatlong beses ding nasaktan at nabigo.
Habang kasama niya si Rico ay natuklasan niyang hindi pala tumigil sa lolo nito ang sumpa dahil mukhang pati ito ay dinaranas ang hindi magandang kapalaran ng abuelo nito sa pag-ibig.
Hindi nagtagal natuklasan na lang niya ang pagnanais na tulungan si Rico na makawala sa sumpa. She knew her love for him would save him from the curse. Pero ano ang silbi ng pagmamahal niya kung hindi pag-ibig ang nararamdaman nito para sa kanya?
No comments:
Post a Comment