Friday, December 30, 2011

The Floral Collection: Love, Lies, And Alibis

Type: The Floral Collection
Book No.: 1___
Year Released: 2011
Publication: PHR


Dahil sa isang kahilingan na hindi makayang pahindian ni Belinda ay napilitan siyang magtungo sa Benguet. Ngunit parang gusto niyang mag-back out nang makilala ang lalaking maghahatid sa kanya sa destinasyon niya.

Dax was the last person she wanted to see.

But fate had brought them together.

Worse, nalaman niyang ito pala ang may-ari ng flower farm na tutuluyan niya.

Paano na lamang ang problema niya? Malulutas kaya niya iyon kung parating nakakontra si Dax sa bawat hakbang na gawin niya? At bakit ba may pakiramdam siyang parating may mapang-uring mga mata na nakamasid sa kanya?

Could she get the concentration she needed before her heart changed its mind?

The Floral Collection: Dear Lies

Type: The Floral Collection
Book No.: 1___
Year Released: 2011
Publication: PHR


The first time Francesca and Darwin met, she knew they will hate each other. Kaya naman nang muli silang magkita ay kinailangan pa niyang magtahi ng kuwento sa kagustuhan niyang manatili sa isla nito. Ngunit sadya yatang sintigas ng bato ang puso nito kaya sa halip na patawarin ay lalo pa siya nitong ginipit.

Hanggang isang pangyayari ang magsilbing susi upang mabuksan ang isang kabanata ng buhay nito at maging dahilan iyon ng kanilang pagbabati.

Now he was thanking her for saving him. Buong buhay niya ay noon lang siya nakatanggap ng isang heartfelt "thank you". At nagmula pa sa taong akala niya ay hindi marunong mag-appreciate ng mga bagay sa paligid nito.

"I love you. Will you marry me?" wika pa nito sa kanya.

Tatango na sana siya kung hindi lamang niya kilala ito...

The Floral Collection: Hey, Gorgeous

Type: The Floral Collection
Book No.: 1___
Year Released: 2011
Publication: PHR


"Hindi ko ikakailang takot akong magpakasal. Pero mas natatakot akong mabuhay nang wala ka sa piling ko."

"Maganda ang nakaguhit sa palad mo, Miss. Malapit mo nang makilala ang lalaking makakapiling mo habang buhay. Malalaman mong siya na nga iyon kapag nagkalapit kayo at nakarinig ka ng isang napakagandang musika."

Ipinagsawalang-bahala lang ni Simone ang hula sa kanya. Una, nagmamadali siya dahil male-late na siya sa kasal ng pinsan niya. Pangalawa, hindi siya naniniwala sa hula. Para sa kanya, ang tao ang gumagawa ng sarili niyang tadhana.

Ngunit sa sandaling nakita niya ang best man sa kasal ng pinsan niya, bigla ay tila may pumailanlang na musika. At nang titigan niya si Aleister, tila tumigil sa pag-inog ang mundo.

Tama kaya ang manghuhula? Si Aleister na nga kaya ang lalaking sa kanya ay itinadhana?

Thursday, December 29, 2011

The Floral Collection: Once And Again

Type: The Floral Collection
Book No.: 1___
Year Released: 2011
Publication: PHR


"Axel Drake de Roque, at your service. Although I will not call myself unlucky to be Raven's boyfriend."

Tila knight in shining armour ang naging dating nito kay Raven nang sagipin siya nito sa pang iinsulto ng mga kaopisina niya. Wala kasi siyang love life. Ngunit sa kabila ng pagtulong nito ay hindi pa rin nawala ang galit nila sa isa't-isa, sampung taon na ang nakararaan. Ang nakapagtataka, sa halip na magbangayan sila ay nagtutulungan pa sila.

Ngunit hindi siya naging handa sa mga konsekwensiya ng palabas nila nang maramdaman niyang ito pa rin ang lalaking iniyakan niya noon gabi-gabi. Handa na kaya siyang ipadama rito ang damdamin niya ngayong unti-unti nitong natitibag ang pader sa puso niya?

The Floral Collection: The Way You Love Me

Type: The Floral Collection
Book No.: 1___
Year Released: 2011
Publication: PHR


"Rule number five... don't fall in love with me."

Naglayas si Lani upang takasan ang problema niya sa ama. Pero isa ring problema ang napuntahan niya. Sa katauhan ni Thaddeus Joseph Adorable.

But Thad was the one problem she didn"t know whether to stick up with or ran away from...

The Floral Collection: Love At Second Sight

Type: The Floral Collection
Book No.: 1___
Year Released: 2011
Publication: PHR


Nang ma-inlove si Czarina sa unang pagkakataon ay todo-todo ang ibinigay niyang pagmamahal. Nang magpakasal ang lalaki sa ibang babae ay talaga namang para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa. Sa mismong kasal ay nagpakalunod siya sa alak.

Until a mysterious and handsome stranger came to her rescue--si Harold.

Nang magpasya siyang magbakasyon muna upang makalimot sa kabiguan ay hindi niya akalaing muli silang magkikita ng lalaki.

Natuklasan niyang ito pala ang tatay-tatayan ng makukulit na batang kambal na nakilala niya. Halos araw-araw siyang kinukulit ng magkapatid na maging "mommy" raw ng mga ito.

Syempre pa ay nagpakatanggi-tanggi siya. Pero nang si Harold na mismo ang humingi ng pabor sa kanya, himalang napapayag siya nito.

Mukhang muli na namang nagmamahal ang puso niya. Lalo pa nang gawaran siya ng halik ng binata. Gusto na yata niyang totohanin ang lahat. Pero malinawna "laro" lang ang pagiging mag-asawa nila..

Saturday, December 3, 2011

The Floral Collection: My Lord Ace

Type: The Floral Collection
Book No.: 1382
Year Released: 2011
Publication: PHR


"Ang singsing na 'yan, hindi ko alam kung bakit binili ko iyan. I had always carried it ever since. Ngayon ko lang na-realize kung ano ang dahilan ng pagbili ko niyan. It was really meant for you."

Bilang isang freelance photographer, kung saan-saang isla at bundok nakakarating si Prix. Kaya nang marinig niyang maganda ang Isla Catalina ay agad siyang pumaroon. Iyon ay sa kabila ng pagiging pribado ng isla.

Ganoon na lamang ang takot niya nang salubungin siya ng isang lalaking nakakalula ang tangkad at lapad ng katawan. Ipinag tabuyan siya nito.

Ngunit hindi siya nasiraan ng loob. Lakas-loob niya itong hinarap at sinabi ritong hindi siya aalis doon hangga't hindi niya nakukunan ng larawan ang isla.

Sa pagka mangha niya ay pumayag ito kapalit ng paninilbihan niya sa pamamahay nito.

Labis niya iyong ikinatuwa. Nanalo siya sa round one. Ang masama, natalo siya sa mga sumunod na rounds. Because instead of winning, she bet and lost something she could't afford to lose... her heart.

The Floral Collection: Matters Of The Heart

Type: The Floral Collection
Book No.: 1362
Year Released: 2011
Publication: PHR


"When you fall in love, sometimes you don't need to listen to your brain. You just have to use your heart."

Florence was carefree. Lahat ng bagay ay nagagawa niyang idaan sa biro. Pero nakilala niya sa Donn--seryoso, at ang nais nito ay nasa ayos ang lahat. He was so considerate na mas uunahin pa nito ang damdamin ng ibang tao kaysa sa sarili nitong kaligayahan.

Biglang umiral ang inborn na pagkapilantrupo ni Florence. Itinalaga nya ang sarili niya bilang tagapagligtas ng lalaki. Hindi niya ito hahayaang matali sa isang relasyon na ang mayamang lola lamang nito ang may gusto.

Gumawa siya ng paraan upang ma-realize nitong hindi ito magiging masaya kung patuloy lang itong makikipag-ugnayan sa babaeng ipinagkasundo rito na si Anette. Kahit na patuloy nito iyong itatanggi.

Pero bakit siya nito biglang hinalikan? At ang masama, buong alab rin niya iyong tinugon...

The Floral Collection: Heir Of The Heart

Type: The Floral Collection
Book No.: 2597
Year Released: 2011
Publication: PHR


"You're mine, Lena. And I want to claim my property. Right here, right now."

Helena had considered Lolo Crisostomo as her savior. Kinupkop siya nito at ginawa siyang tagapag-alaga nito upang kumita siya ng pera. Until she found out that the old man was dying. Bago ito nalagutan ng hininga ay hiniling nito na huwag na siyang umalis ng bahay nito kahit yuamo na ito at dumating ang kaisa-isang apo at tagapagmana nito na si Nicko.

Unang kita pa lang niya sa lalaki ay nagpakita na ito ng matinding animosidad sa kanya. he was too surprised to know that he inherited his estranged grandfather's vast resources. But there was a catch. Mapapasakamay lang nito ang mana kung susundin nito ang huling hiling ng lolo nito.

Why, Lolo Crisostomo was so annoyingly generous. Dahil pati siya ay ipinamana nito sa apo nito!

The Floral Collection: How To Kiss A Guy

Type: The Floral Collection
Book No.: 2465
Year Released: 2011
Publication: PHR


"I've known her for years. Isang libong 'I hate you' na ang natanggap ko mula sa kanya. I know she's far from ordinary. But I love her and I love her absurdity or whatever her definition of 'special' is."

Head over heels si Bianca kay Raf pero hindi siya pansin ng binata. When she learned the best way to his heart was to learn how to play the guitar, kinulit niya ang kuya niya upang turuan siya nito. Hindi ito pumayag at sa halip ay inirekomenda nito ang dating bandmate nito na si Radd. 

Maisip pa lang niya ang pagmumukha ni Radd ay umaalingawngaw na sa magkabilang tainga niya ang mga salitang "mayabang," "bastos," at "babaero." Pero wala siyang choice kundi makibagay rito kung sa hukli ay mapapansin naman siya ni Raf. 

Pero hindi lang pala ang paggigitara ang kailangang matutuhan niya. Because Raf wanted a good kisser, too. She had never been kissed, for Jude’s sake! At dahil ito ang gusto niyang maging first kiss at first boyfriend niya, kailangan niyang matutong humalik. 

Paano at sino ang magtuturo sa kanya?

Oh, no... It couldn’t be Radd, too! 

The Billionaire's Contract Wife

Type: Translations
Book No.: 4
Alternative Nom de Plume: Sumire Villegas
Year Released: 2011
Publication: PHR


“You’ve changed me… And I need you to help me understand the person I’ve become. I need you to show me how to be the man you want me to be.”

Napilitan si Lizzie na magtungo sa Cebu dahil sa isang summon letter na mas tamang tawaging, “threat letter” galing kay Ylan Manos. Hindi raw legal ang pagtatayo niya ng gusali sa lupain na pag-aari nito. Ang balak lang sana niya ay makausap nang maayos ang lalaki para matapos ang problema.

May isa lang siyang hindi inaasahan: pinsan ni Ylan ang isa sa mga sira-ulo niyang business partner at dahil tumakas na ang mga ito, naiwan sa kanya ang responsibilidad na harapin ang galit ni Ylan. And he wanted full compensation for it.

Dahil wala naman siyang sapat na yaman para mabayaran ito, may inilahad itong proposal sa kanya: puwede raw siyang magpakasal dito dahil kailangan nito ng asawa. Kapag pumayag siya, bayad na siya sa utang niya, magiging financially secure pa ang pamilya niya.

Pero paano naman ang puso niya?

Stallion Riding Club Revisited: Ruki Takizawa

Type: Series
Book No.: 2
Year Released: 2011
Publication: PHR


Napilitan si Chi na pumayag sa plano ng kanyang pamilya na magpakasal sa anak ng ninang niya. Dahil sa sakit nito na wala ng lunas, naging kahilingan na lang nito na makita ang nag-iisang anak na matagal ng nahiwalay dito. ang problema, ayaw itong makita ng anak nito na isang vocalist pala ng isang sikat na banda sa Japan.

So Chi had to go all the way to that snow-filled country, endure the feaking cold, and the freaking coldness of Ruki himself. It was obvious he didn’t want her. And was frank enough to tell to her face that he doesn’t want anything to do with her or her country.

Nilunod na sana niya ito sa snow kung hindi lang niya iniisip ang kalagayan ng ninang niya. kaya pinagtiyagaan niya ang ugali ni Ruki. Hanggang sa matuklasan niyang hindi naman pala ito kasing sama gaya ng una niyang akala. In fact, he could be sweet…when he’s in the mood.

Kaya hindi na katakataka kung mahulog man ang loob niya rito. Kaya lang, paano na kapag nalaman nitong kinaladkad lang niya ito sa Pilipinas para sa kinamumuhian nitong ina, at hindi dahil sa magpapakasal sila?

Campus Girl: Maxene, The Boyish Girl

Type: Series
Book No.: 12
Year Released: 2011
Publication: PHR


Maxene had always been one of the boys. Lumaki siya na pulos mga lalaki ang kasama kaya tila mas alam pa niya kung paano ang maging isang lalaki kaysa maging isang babae.

She believed that men were naturally dominant and proud. Pero mukhang above average ang angking kayabangan ni Kristofer “Tofee” Villados. Kahit kailan ay hindi siya magkakagusto sa isang lalaking mistulang inflated ego na nagkatawang-tao.

“Hang out with me for one whole day. Ipapakilala ko sa `yo ang sarili ko. Patutunayan ko sa iyo na mabuting tao ako,” sabi nito sa kanya minsan.

Nang mabigyan nga siya ng pagkakataong makilala ito nang lubos, na-realize niya ang isang napakaimportanteng bagay: hindi immune ang puso niya rito.