Tuesday, February 28, 2012

It's Just You

Type: PHR Collection
Book No.: 4194
Year Released: 2012
Publication: PHR


“If you want to fall in love with me, it’s fine. Go ahead and fall.”

Jeni was a very pampered princess to her rich parents. And since she was a princess, she ought to have her own prince. Isa lang ang naiisip niyang maging prinsipe: si Reno, ang kanyang high school ultimate crush. Nang magkita uli sila pagkalipas ng maraming taon, na-realize niya na matindi pa rin ang epekto nito sa puso niya.

Nang malaman niya na nangangailangan ito ng Cinderella—este, sekretarya, mabilis pa sa alas-kuwatrong nag-apply siya para mapalapit dito.

Pero paano kapag natuklasan niya na ang pinili niyang maging prinsipe ay iba pala ang gustong gawing prinsesa? Paano na ang kanyang “happy ever after”?

Tuesday, February 21, 2012

The Floral Collection: I Love You Todo-todo, Walang Hinto, Walang Preno

Type: The Floral Collection
Book No.: 1883
Year Released: 2012
Publication: PHR


Lumuwas sa Maynila si Reika upang hanapin ang kasintahang bigla na lang naglaho nang araw ng kanilang engagement. Ngunit ang natagpuan niya ay ang lalaking palagi na lamang nagpapakulo ng kanyang dugo; si Matthew, former NBI agent-turned-Patok jeepney driver, na sa kamalas- malasan ay siya ring taong kailangan niya upang makita ang kanyang hinahanap.

Ang problema, tila hindi man lang ito nagdalawang-isip na tumanggi para tulungan siya. Hindi na rin niya inisip na pakiusapan ito dahil wala iyon sa karakter niya.

Ngunit nakialam ang kanilang mga pamilya kaya sa ayaw at sa gusto niya ay mapipilitan siyang makipagkasundo rito.

Pero ang mas malaking problema ay nang makialam din ang puso niya. Natagpuan na lang niya ang sarili na nakikipagkasundo rito nang kusa.

The Floral Collection: My Sweetheart Cherie

Type: The Floral Collection
Book No.: 1833
Year Released: 2012
Publication: PHR


Pangarap ni Cherie na unusual at romantic ang maging pagkikita nila ng lalaking kanyang mamahalin. Ngunit naglaho ang pangarap niyang iyon nang ipagkasundo siya ng mga magulang sa lalaking ni hindi niya gusto. Nagpasya siyang kausapin na lamang si Dwight—ang lalaking ipinagkasundo sa kanya. Dapat na dito manggaling ang pag-atras sa kasal nila. Iyon lang ang tanging paraan para hindi sila makasal.

Ngunit tinanggihan siya ng hudyo. Wala raw itong balak na umatras sa kasal nila.

Kaya imbes na pag-ibig ay galit ang namayani sa kanyang puso. Well, she would make life a living hell for her dear husband-to-be. But when married life slowly sunk in, things started to change. Even the way she saw her husband had changed.

Even the way her heart felt towards him…

The Floral Collection: Captain Of My Heart

Type: The Floral Collection
Book No.: 1775
Year Released: 2012
Publication: PHR


Sa paghahanap ni Leira sa kanyang “Mr. Right,” iba ang kanyang natagpuan; si Calvin, isang Air Force captain na kasalukuyang hinahanap din ang sarili nitong “Miss Right.” Pareho sila ng mithiin at misyon sa buhay kaya mabilis silang nagkapalagayan ng loob at naging magkaibigan.

Together they set out a quest to find their own true love. Pero nagbago ang lahat nang mag-iba ang tingin niya sa matikas at guwapong kapitan.

The Floral Collection: Accidental Hearts

Type: The Floral Collection
Book No.: 1732
Year Released: 2012
Publication: PHR


Presko. Iyon ang impresyon ni Rhome kay Byron nang unang beses silang magkita. Ngunit hindi rin niya maitanggi ang atraksiyong nadarama niya para dito. Ni hindi nga niya alam kung paano siya napapayag nito nang imbitahan siya nito para sa isang dinner date. Ngunit sa huling sandali ay bigla namang kinansela nito ang date na iyon; kung kailan nakabihis na siya at handang-handa na. Bumalik tuloy uli ang inis niya rito. Ipinangako niya sa sariling hinding-hindi na niya papansinin ito kahit kailan.

Then she met his twin brother, Bryan. Kabaliktaran ang ugali nito sa ugali ng kakambal. Bryan was more her kind of man.

Ngunit tuwing tititigan niya ito, ang masayang disposisyon ng mukha ni Byron ang nakikita niya… At bakit lihim niyang hinihiling na sana ay si Byron nga ang kausap niya?

Tuesday, February 14, 2012

Don't Mess With My Heart

Type: PHR Collection
Book No.: 4144
Year Released: 2012
Publication: PHR


Nang dahil sa maling label ng botelya ng gamot, hindi alam ni Bea na ang iniinom pala niyang pills ay hindi food supplement kundi isang antianxiety drug. Nalaman lamang niya iyon nang magsimula siyang makaramdam ng heart palpitations at madaling pagkahapo.

Nang magpatingin siya sa isang cardiologist—na ubod ng guwapo at kisig at may overflowing na sex appeal—ay nalaman niyang nagkaroon ng diperensiya ang kanyang puso dahil sa long-term at hindi tamang pag-inom ng gamot na iyon. Nang mga sandaling iyon ay nagpa-palpitate ang kanyang puso sa kilig habang nakatunganga siya sa kaguwapuhan nito. Gusto niyang ipagamot dito ang kanyang puso—literally and figuratively. Pakiramdam niya ay handa na uli siyang umibig. Ngunit may prescription ito na tila saglit na nagpatigil sa kanyang mundo.