Wednesday, April 27, 2011

Stallion Riding Club Batch 4: Richard Don Robles

Type: Series
Book No.: 44
Year Released: 2008
Publication: PHR


"How could I look at another girl when you already lassoed my heart?"

Para kay Danzelle Ann isang babaero, lampa at makasarili si Richard Don. Kaya nang ipatapon siya sa riding club upang tulungan ito sa Lakeside Café‚ and Restaurant kung saan kasosyo nito ang kapatid niya, parang nagdeklara na rin sila ng World War Three sa isa't isa.

She hated him while he loved to tease her. At mukhang alam nito ang paraan para panginigin ang mga tuhod niya at pabilisin ang tibok ng puso niya.

She shouldn't underestimate him. He was a very dangerous enemy.

Stallion Riding Club Batch 4: Ricos Caderao

Type: Series
Book No.: 43
Year Released: 2008
Publication: PHR


"Unang ngiti pa lang ni Ricos sa kanya, alam niyan nakuha na nito ang kanyang puso."

Magkasintahan sina Genil at Ricos. Para kay Genil, si Ricos lang ang tanging lalaking nakikita ng kanyang puso. Ngunit nang kapwa sila malagay sa isang alanganing sitwasyon, halos kamuhian nila ang isa't isa.

Dalawang taon silang namuhay na may galit sa kanilang mga puso. Dalawang taong iwasan at pagpapasakitan...
Inakala ni Genil na kayang-kaya niyang kontrolin ang kanyang damdamin. Pero kapag kaharap na niya si Ricos, wala siyang magawa kundi ang mahalin ito.

Stallion Riding Club Batch 4: Danrick Tezzoro

Type: Series
Book No.: 42
Year Released: 2008
Publication: PHR


"Alam ko na kaligayahan mo na maging masaya ako. I'll do everything to make you happy."

Bonggang-bongga ang beauty ni Vienezze nang makasampa siya sa Stallion Riding Club. Malapit nang matupad ang pangarap niya na makasama sa mga elite at makapag-asawa ng isang guwapo at mayamang miyembro ng riding club.

Sa kasamaang-palad, isang guwapo, makisig at hot na maggugulay ang nakatakdang maging kontrabida sa pangarap niya--si Danrick Tezzoro. Ilang mga kababaihan na sa Stallion Leisure Spa ang nag-resign dahil sa pagiging terror nito. At mukhang siya ang bagong pag-iinitan nito.

Tingnan lang niya kung hindi ito lumambot sa alindog niya.

Stallion Riding Club Batch 4: Mark Ashley Camello

Type: Series
Book No.: 41
Year Released: 2008
Publication: PHR


Sa kanyang muling pagbabalik, ang tanging inasam ni Daeia ay ang tanggapin siya ng Aringan, ang tribung nagtakwil sa kanya nang matagal na panahon. Nang malaman niyang tatanggapin siya, natuwa siya. Pero mabigat naman ang kapalit.

Kailangan niyang pagtiisan ang presensiya roon ni Mark Ashley Camello, ang pinakaguwapo pero pinakaaroganteng lalaking nakilala niya sa buong buhay niya. Ngunit sa kabila niyon ay natutuhan pa rin niyang mahalin ito.

At nang makasama niya ito sa Stallion Riding Club, parang ayaw na niyang bumalik uli sa Aringan. Ang nais na lang niya ay manatili roon. Sa piling nito...

Stallion Riding Club Batch 4: Baxter Saavedra

Type: Series
Book No.: 40
Year Released: 2008
Publication: PHR


Baxter Saavedra had all the right ingredients to be the perfect hero in a romance story or real life. Kung hindi lang siguro sa ugali nitong hindi ma-gets ni Michi, baka nagamit na niya itong hero sa mga nobelang isinusulat niya. At aaminin niya, minsan sa buhay niya ay nagkaroon din naman siya ng lihim na pagsinta rito.

Wala naman talaga siyang planong pansinin ito kung hindi lang ito ang unang lumapit sa kanya. He treated her like a lady. He made her feel special. He made her fall for him. Ngunit nang magkaroon siya ng pagkakataon na ipahayag ang kanyang damdamin dito, bakit bigla na lang lumayo ito sa kanya?

Stallion Riding Club Batch 4: Hans Cervantes

Type: Series
Book No.: 39
Year Released: 2008
Publication: PHR


Matagal nang pangarap ni Nissa Jean na makita nang personal ang hinahangaan niyang si Rozen Aldeguer, ang lalaking lihim niyang iniibig. Pero dumating sa buhay niya si Hans. In him she found an enemy, a companion, a stress reliever, a punching bag, a listener, a friend... and someone she could love for real. Ngunit si Rozen ang unang nagustuhan niya at minahal; si Hans naman ang unang lumapit sa kanya... at nagmahal.

Mas masarap bang mahalin ang lalaking nasa harap na niya o mas matamis ang pag-ibig kung makukuha niya ang lalaking kanyang pinangarap.

Stallion Riding Club Batch 4: Zairo Montevedra

Type: Series
Book No.: 38
Year Released: 2008
Publication: PHR


Trizia hated everything with the letter “T” that day. Kinaltasan siya ng malaking tax, nahuli niya ang boyfriend niyang taksil na si Toby. And because there were no taxis around, she was harassed by some thugs. Mabuti na lang at dumating si Zairo Montevedra at iniligtas siya.

Noong una ay wala siyang balak na pagkatiwalaan ito. Ang tingin kasi niya rito ay malala pa ito sa boyfriend niyang si Toby. Di hamak na mas bolero ito at mabulaklak ang dila. And he spelled only on name for her: trouble.

But Zairo seemed ready to prove that he could easily tease his way inside her heart. And he made sure she couldn't resist him.

Stallion Riding Club Batch 4: Eizhiro Figueroa

Type: Series
Book No.: 37
Year Released: 2008
Publication: PHR


"Dahil sa iyo, ayoko nang magalit. Ayoko nang magtanim ng sama ng loob. Ang gusto ko na lang ay magmahal."

Handang-handa na si Gianna upang sumali sa isang baduy na game show. Pakiramdam kasi niya ay iyon na lang ang pag-asa niya para makabayad sa lahat ng pagkakautang niya dahil sa kanyang papalubog nang computer shop.

Subalit sa malas ay mukhang hindi siya kinakasihan ng tadhana. Sa gitna ng malakas na ulan, isang rumaragasang asul na sportscar ang nagpaligo sa kanya ng marumi at nakapandidiring tubig-baha. Nasira tuloy ang makeup niya, ang kanyang magandang buhok, pati ang kanyang bagong damit at sapatos.

“Excuse me!” pasigaw na sabi niya, pagkatapos ay kinatok ang tinted na windshield ng sasakyan.

Napanganga na lang siya nang bumaba ang bintana sa driver’s side at dumungaw ang driver. It was Eizhiro Figueroa, The King of Frown. At iyon na yata ang simula ng lahat ng kamalasan sa buhay niya. Dahil kahit saan siya pumunta ay wala na itong dinala sa kanya kundi kamalasan.

Aakalain ba naman niyang pati puso niya ay raragasain nito?

Stallion Riding Club Batch 4: Cloud Montañez

Type: Series
Book No.: 36
Year Released: 2008
Publication: PHR


Para kay Polly, si Ian Jack ang number one sa puso niya. At kung liligawan siya nito, tatanggapin niya ang pag-ibig nito nang buong puso. Iyon ang gagawin niya kahit pa sa tuwing nakikita niya ang larawan ng mga Stallion boys, lalo na ang kay Cloud Montañez ay hindi niya mapigilang mapangiti. Ito kasi ang may pinakamagandang mukha sa lahat. Pero hindi naman iyon ang mahalaga—dahil ayaw naman niya rito. Masungit kasi ito, at sa kanya lang.

Hanggang isang araw, na-realize na lang niyang ang lalaking inakala niyang mahal niya ay hindi pala niya mahal. At ang lalaking inakala niyang ayaw niya ay minamahal nap ala niya.
Whoever said that falling in love was easy?

Stallion Riding Club Batch 4: Joziah Gatchalian

Type: Series
Book No.: 35
Year Released: 2008
Publication: PHR


Si Joziah ang isang bahagi ng nakaraan ni Brescia na ayaw na niyang balikan. Subalit paano kung ito mismo ang sumunod sa kanya para muling mahalin siya.

Handa nang itama ni Joziah ang lahat ng mali sa pagmamahalan nila noon. Kaya ba niyang tanggapin ang pagmamahal nito? Kaya rin ba niyang itama ang lahat at ihayag dito ang lahat ng sekretong itinatago niya sa kanyang puso?

Stallion Riding Club Batch 4: Rozen Aldeguer

Type: Series
Book No.: 34
Year Released: 2008
Publication: PHR


Nang balikan ni Ada ang unang araw na magkaharap sila ni Rozen Aldeguer, ang lalaking crush niya, wala siyang nakitang anumang romantic doon. Nakakahiya ang pangyayaring iyon, kaya't mas gusto niyang kalimutan na lang iyon.

Ngunit binawi rin niya ang sinabi niya sa sarili na dapat ay makontento na lang siya sa paghanga sa mga lalaking katulad nito. Kahit naging magulo ang kinalabasan ng bawat pagkikita nila, ng kuwento nila, hind pa rin niya ipagpapalit ang lahat ng iyon kahit pa sa pinakatahimik at pinakamatiwasay na pamumuhay sa mundo.

Because she discovered Rozen's other side. His more lovable side.

Stallion Riding Club Batch 4: Hayden Anthony Ilano

Type: Series
Book No.: 33
Year Released: 2008
Publication: PHR


"Wala akong pakialam sa opinyon nila o sa nakikita nila sa iyo. Ang importante ay ang nakikita ng puso ko. At ikaw lang ang nakikita ng puso ko."

Katulad ng ibang kababaihan, ambisyon din ni Rei ang makapasok sa Stallion Riding Club sa pag-asang naroon ang lalaking makakasama niya habang-buhay. Ngunit ang natagpuan niya roon ay si Hayden Ilano, ang lalaking unang nagpatibok ng kanyang puso. Subalit mayroon itong maraming lihim na hindi alam ng iba. Kasama na roon ang dahilan kung bakit hindi nito maaaring mahalin siya.

"I want us to start anew, Rei. Bigyan mo ako ng pagkakataon na maipakita kung sino ang totoong ako," pakiusap nito.

Sino nga ba ang totoong Hayden? At bakit kahit anong pilit niyang talikuran ang pagmamahal niya rito ay pilit pa ring lumilingon ang puso niya?

Stallion Riding Club Batch 4: Icen Villazanta


Type: Series
Book No.: 32
Year Released: 2008
Publication: PHR


Bata pa lang sina Kassandra at Ice nang ipagkasundo sila ng kani-kanilang mga ama dahil sa isang insidente sa kanilang paaralan. They grew up living separate lives. Nagkaroon din naman kasi sila noon ng kasunduan na walang sinuman ang makakapagdikta sa kanila sa kung sino ang pipillin nilang mahalin at makasama habang-buhay. Ngunit kapag nariyan ang pinakamamahal nilang mga ama, kailangan nilang magpanggap. Hanggang sa isang araw ay nilapitan siya ni Ice.

"I want you to meet Erica."

"Why?"

"'Cause I'm gonna ask her to marry me."

Ngumiti lang siya. Pero sa loob-loob niya, nasasaktan siya. Dahil noon pa mang mga bata sila, minahal na niya ito.

Stallion Riding Club Batch 4: Thyago Palacios


Type: Series
Book No.: 31
Year Released: 2008
Publication: PHR


"Gusto mo pa bang ipagsigawan ko na ikaw ang babaeng mahal ko para marinig ng lahat at maniwala kang mahal kita?"

Liyah's idea of an ideal man was someone like her brother. She knew it was stupid. Nobody could be like her brother. Ngunit nang lokohin nito ang babaeng minahal, gumuho ang paghanga niya rito.

Thyago Palacios may not be her dream man. He was the exact opposite of her brother. In fact, he was a terrible plaboy. Malayung- malayo nga ito sa kuya niya na malambing at mapagmahal, pero susugal siya. Baka hindi rin ito katulad ng kuya niya na iniiwan ang babaeng minamahal...

Stallion Riding Club Batch 4: Angelo Exel Formosa

Type: Series
Book No.: 30
Year Released: 2008
Publication: PHR


Ultimate crush ni Nadja si Ian Jack. Para sa kanya, ito na ang lalaking matagal na niyang hinihintay sa kanyang buhay. Handang-handa na ang puso niyang magmahal. Ngunit saka naman dumating ang isang istorbo.
Si Angelo Exel Formosa.

Hindi lang ito naging malaking istorbo para sa pagsinta niya kay Ian Jack, naging panggulo rin ito sa nananahimik na puso niya. Dahil mula nang sumulpot ito sa buhay niya, ito na lang lagi ang kanyang hinahanap…

Teka, hindi ba’t in love na siya sa iba?

Stallion Riding Club Batch 4: Gianpaolo Aragon

Type: Series
Book No.: 29
Year Released: 2008
Publication: PHR


“I am afraid to lose you. Hindi ko kayang gumising sa bawat araw na alam kong wala ka.”

Maganda na ang takbo ng buhay at career ni Dafhny. She was working on her dream project as an interior designer—the reconstruction of Casa Rosa. Pero hindi dream project ang Casa Rosa dahil sa kuwentong-multo na tumatakot sa kanya. And she was definitely scared of ghosts.

Gianpaolo Aragon, a certified babe of Stallion Riding Club, offered to look after her. Ito raw ang poprotekta sa kanya mula sa masasamang espiritu. Pero paano ba mapapanuto ang trabaho niya kung maya’t maya siyang inaakit nito? Magpapaakit na lang ba siya o habang-buhay na tatakbo palayo rito?

Stallion Riding Club Batch 4: Daboi Bustamante

Type: Series
Book No.: 28
Year Released: 2008
Publication: PHR


Arianne was devastated. Ang lalaking minahal niya sa loob ng tatlong taon ay isa palang nakakabahing na paminta—as in gay, bading, binabae. Because he was her first love, talagang iniyakan niya iyon nang husto.

Ngunit sa kanyang pagluluksa ay isang lalaki ang kumupkop sa kanya. Si Daboi. Inalagaan siya nito, pinangiti at tinuruang magmahal muli. Ang problema, dito muling tumibok ang puso niya. Eh, hindi kasama iyon sa usapan. Ano na ngayon ang gagawin niya? Mabibigo na naman ba siya sa ikalawang pagkakataon? Sa loob lang ng halos dalawang linggo?

Sobra naman yatang parusa iyon…

Stallion Riding Club Batch 4: Johann Cristobal

Type: Series
Book No.: 27
Year Released: 2008
Publication: PHR


Ipinangako ni Fridah Mae sa sarili na hindi na niya kakausapin o titingnan man lang si Cedric Johannson Cristobal, ang ubod ng sungit na kaibigan ng kuya niya. Hindi niya matanggap na binasted nito ang kagandahan niya at ipinagpalit siya sa isang babaeng hipon.

Pero nang magkita uli sila sa Stallion Riding Club, nagbago bigla ang ihip ng hangin. Parang sinapian na naman siya espiritu ng nakaraan niya at nabaliw na naman siya rito.

Sa pagkakataong iyon, hindi na siya uurong sa laban kahit babaeng hipon, balyena o pating pa ang humarang sa kanya. Sa kanya lang si Johann.

Stallion Riding Club Batch 4: Pipo De Vera

Type: Series
Book No.: 26
Year Released: 2008
Publication: PHR


Annamae was a spoiled brat. Ayaw niyang magtrabaho. Ayaw rin naman niyang magpakatino. Palagi siyang nakikipagsigawan sa mga rock concerts, nakikipagsigawan sa mga nagra-rally, at nakikipagsigawan sa kanyang ama. Siya ang literal meaning ng rebel-without-a-cause.

Hanggang sa mapuno na ang kanyang ama. Binigyan siya nito ng ultimatum. Magtatrabaho siya o magpapakasal. Pero mas mautak siya kaysa rito kaya gumawa siya ng paraan upang makalusot sa dalawang kondisyon na iyon. Kailangan lang niya ng magpapanggap na boyfriend niyang gusto niyang pakasalan. Nakita naman agad niya ang kanyang prospect: si Pipo de Vera. Ang kaso, tinanggihan siya nito. Pero bumawi naman ito nang magprisinta itong tutulungan na lang siyang maghanap ng magiging “boyfriend” niya.

Pero bakit nang may magprisinta nang iba, unang-unang kumontra ito?

Stallion Riding Club Batch 3: Reid Alleje

Type: Series
Book No.: 24
Year Released: 2007
Publication: PHR


"It was sheer heaven when his lips probed hers. Pakiramdam niya ay nakilala pa niya ang isa pang bahagi ni Reid kapag hinahalikan siya nito..."

Tamara valued her independence so much, She was roaming the animal kingdom saving lives. Walang anumang nagtatali sa kanya. At malabo ang sa isip niya ang magmahal. Convenient iyon para sa katulad niya na hindi naranasang mahalin.

Pero sa minsang pagpunta niya sa Stallion Riding Club, inani niya ang galit ni Reid Alleje. Para makabawi rito ay naging veterinarian siya ng riding club. And once more, she was unwelcome. Wala siyang natanggap kundi hostility mula sa mga miyembro nito na galit na galit sa kanya.

And Reid Alleje's sweet kisses made matters worse.

It was not part of their deal. Dahil wala siyang plano na isuko ang katinuan ng isip niya o ng puso niya.



Type: Series
Book No.: 25
Year Released: 2007
Publication: PHR


"We are together now. Hindi ko na yata mai-imagine kung nasa ibang panahon o pagkakataon ako na 'di kita kasama at hindi ikaw ang babaeng mahal ko."

Tamara had to do everything to get away from Reid Alleje. Hindi na siya tatagal pa na maging asawa nito kahit sa pangalan lang. He was chauvinistic, overbearing and insensitive.

But it didn't stop her from falling for him. Isang bagay lang ang hindi niya kayang baguhin. Hindi kayang magmahal ni Reid.

Pipiliin ba niyang manatili sa piling nito kahit alam niyang hindi niya mararanasan pa ang pagmamahal nito kahit minsan?